Mala-P.S. I Love You: Anak ibinahagi ang wagas na pagmamahal ng yumaong ama sa kaniyang ina




Mga imahe mula sa Facebook account ni Aly Mendoza
  • Maiuugnay sa foreign movie na P.S. I love You ang kuwento ng isang amang sampung buwan nang yumao ngunit nagawa pa ring sorpresahin ang asawa
  • Sa pamamagitan ng isang scheduled e-mail na ipinadala niya sa kaniyang anak, ang mga sorpresang ito ay nagkatotoo
  • Ibinahagi ng kanilang anak ang kuwento ng dakilang pagmamahal ng kaniyang ama para sa ilaw ng kanilang tahanan

Napanood mo na ba ang foreign movie na P.S. I Love You? Maiuugnay rito ang nakaaantig na kuwento na ibinahagi ng isang anak tungkol sa yumao niyang ama na nakapaghanda ng mga sorpresa para sa ilaw ng kanilang tahahan.

Imahe mula sa Wikipedia

Ayon sa Facebook post ni Aly Mendoza, may email siyang natanggap tatlong linggo na ang nakakaraan. Ito ay isang scheduled email mula sa kaniyang ama na sampung buwan nang lumisan.

“Two days after I saw the notification, I decided to open the email and couldn’t believe what I was reading. My dad’s love for my mom is definitely immeasurable,” ayon sa Facebook post ni Aly.

Sa email, may mga instruksiyon ang kaniyang ama. May nakausap na umano itong isang florist na kokontakin ni Aly tuwing Hunyo 10, Valentine’s Day, at August 19 na nabayaran na niya para sa misis.

“I am sending this to you in the off chance that I’m not in my right mind or worse, gone. I hope not,” ayon pa sa email.

Batay rin sa mensahe, naroon pa rin ang pag-asam ng kaniyang ama na gumaling at mapabuti ang kalagayan ngunit handa rin ito sa mga posibilidad na mangyari.

Isa pa sa mga nakaantig na mensahe ng ama na pinangalanang si Bing Mendoza ay ang: “Ask Mommy what she wants to eat and make a reservation at the restaurant for the three of us. If she says whatever you want, force her to pick. Hopefully, I’ll be able to drive already next year otherwise, you will practice.”

Imahe mula sa Facebook account ni Aly Mendoza

Sa huli, may pangaral din ang ama para sa anak.

“Be good and behave. Don’t do anything stupid. Follow all these instructions. Thank you. I love you baby,” wakas ng mensahe ng  ama.

Ang ganitong kuwento ay may hatid sa ating pag-asa at mensahe na hindi mahahadlangan ng kasawian ang isang wagas na pag-ibig.

Source :

Facebook