Kakainin mo ba ang ganitong “spicy fried rice”?




Imahe mula sa Facebook account ni Christopher Asiño
  • Nabuksan ang kuryosidad ng mga netizens sa larawan ng fried rice o sinangag na punumpuno ng chili toppings
  • Mukha namang masarap ang pagkain subalit kinakailangan mo lamang maghanda ng isang pitsel ng tubig dahil tiyak na napakaanghang nito
  • Ang pinakamaanghang na sili ay tinatawag na siling labuyo o red chili sa Ingles

Isa sa mga paboritong lutong Pinoy na may kinalaman sa bigas ang “fried rice” o mas kilala sa atin bilang sinangag. Madali lamang ang pagluluto nito: kinakailangan mo lamang ang kaning lamig na ipiprito sa kawali na may mantika, bawang, asin at iba pang pampalasa, at iba pang mga natirang ulam na natira sa nagdaang hapunan.

Subalit kakainin mo ba ang fried rice kung sangkatutak na siling labuyo ang inilagay rito? Iyan ang ibinahagi sa Facebook post ng netizen na si “Christopher Asiño.” Mukhang masarap naman ang sinangag subalit maghanda nga lamang ng isang pitsel ng tubig para maibsan ang anghang na tiyak na makapagpapausok ng iyong ilong at mga tenga.

Imahe mula sa Facebook account ni Christopher Asiño

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Parang ayaw magpakain nang gumawa niyan ah Hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Actually nakatikim na ako ng ganiyan. Masarap naman, basta kaunti lang ang ilalagay na siling labuyo at damihan ng toppings, ayos iyan. Sa ibang Asian countries like Thailand, may mga fried rice silang ganiyan kaanghang so sanay na ang bibig ko.”

“Yung totoo? Sinangag with chilies o Chilies with sinangag? Hahaha,” pabirong komento naman ng isa.

Sa ibang mga bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Myanmar, Cambodia at Korea, tipikal para sa kanila ang pagkain ng fried rice na may toppings na chili o sili. Nariyan ang sweet chili lime fried rice, Korean soy and red chili fried rice, at Malaysian spicy fried rice.

Public Domain Image

Kakasa ka ba kung ito ang almusal mo sa umaga?