Graduation ceremony sa isang paaralan sa Georgia, USA itinuloy pa rin; tiniyak ang social distancing




Imahe mula sa Facebook page na Ethan Taylor Photography
  • Nagpaantig sa mga netizens ang graduation ceremony ng isang paaralan sa Georgia, USA
  • Iniraos pa rin ito sa kabila ng pandemya; sinunod pa rin naman ang social distancing
  • Nagpahatid ng mensahe ng pagbati ang mga netizens para sa mga graduates

Hindi naawat ng COVID-19 pandemic ang pagdaraos ng graduation ceremony sa isang paaralan sa Georgia, United States of America kung saan makikitang sinunod pa rin nila ang social distancing at iba pang precautionary measures gaya ng pagsusuot ng face mask.

Makikita sa Facebook page ng American photographer na si “Ethan Taylor” ang mga kuha niyang larawan ng graduation ceremony ng Senior High School sa Fannin County High School sa Georgia, USA. Makikita ang mga graduates na nakasuot ng asul na toga habang nakasuot ng face masks. Ginanap din ang seremonya sa malawak na field kung saan magkakalayo ang pagkakaupo ng mga mag–aaral.

Imahe mula sa Facebook page na Ethan Taylor Photography

“It was an honor to be able capture the historical moment that was the Fannin County High School Class of 2020 Graduation Group Ceremony,” ayon sa photographer.

Dagdag pa niya, “I had so much fun with these guys. This senior class has shown me so much kindness and appreciation. It makes it so easy for me to want to give as much as I can to them. Once again, Congratulations to Class of 2020!!”

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Here is another school who made graduation happened. Even though they look a little sad, it is better than not having one. It was in Georgia,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Lucky for you out there, you guys are still having your graduation rites and can wear those blue attires. So sad. I couldn’t imagine how unfortunate we are.”

“You can still see the smiles, even with the masks on. That night will never be forgotten. Let us pray that no one gets sick!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Ethan Taylor Photography

Kasama ni Ethan ang kaniyang girlfriend sa pagkuha ng mga larawan. Alma Mater nilang pareho ang naturang paaralan kaya emosyonal din umano sila sa pagsaksi sa kakaibang graduation ceremony sa kabila ng pandemya.

House-to-house mobile graduation sa Cagayan, naisagawa habang sumusunod sa health protocols

Sa Pilipinas, may ilang mga paaralan na nakaisip ng iba’t ibang paraan kung paano maisasagawa ang graduation ceremony; matapos “manakaw” ng COVID-19 ang isa sa mga kapana-panabik na sandali sa buhay ng isang mag-aaral. Ang ilan ay online graduation, pagbabahay-bahay, at paggamit ng robot.

Paaralan sa Taguig City, nagsagawa ng cyber graduation ceremony gamit ang student-made robots