Filipina-Aussie na may gawa ng “Canva” pinakabatang bilyonaryo sa Australia




Public Domain Image
  • Pinakabatang bilyonaryo sa Australian ang isang Filipina-Aussie na co-founder at CEO ng Canva
  • Ang Canva ay sikat na graphic design and publishing tool  na ginagamit sa iba’t ibang industriya sa buong mundo
  • Siya rin ang pangatlong pinakamayamang babae sa buong Australia

Itinuturing na pinakabatang bilyornaryo ngayon sa Australia ang Filipina-Australian businesswoman at graphic designer na si Melanie Perkins, ang co-founder at CEO ng sikat na graphic design and publishing tool na “Canva” na ginagamit sa buong mundo dahil sa pagiging user-friendly at accessible nito.

Bukod sa pagiging pinakabatang bilyonaryo, maituturing din siyang pangatlo sa pinakamayayamang babae sa Australia sa edad lamang na 32 taong gulang. Sa isang press statement, kasabay ng pag-usbong ng “Work From Home” ay lalong sumikat at naging in-demand ang paggamit ng Canva lalo na sa presentasyon ng iba’t ibang negosyo at industriya.

Public Domain Image

Sa panahon daw ng lockdown ay pumalo sa  $2.5 billion ang naging kita ng Canva, bagay na nagpadoble sa assets ni Perkins.

Natuklasan ni Perkins ang graphic design solution technology noong 2014 kasama ang kaniyang fiance na si Cliff Obrecht at kaibigang si Cameron Adams.

Sa naging panayam ng  “60 Minutes Australia” kau Perkins noong 2019 bago pa pumutok ang pandemic,  tinamin ng Canva CEO na ang kaniyang layunin sa pagbuo nito ay “to create professional and quality graphic designs online no matter your level of experience.”

Ayon kay Perkins, kung gusto raw na pumatok ang isang papasuking negosyo, huwag matakot na humanap ng mga problema sa paligid. Kapag nakakita ng problema, mag-isip ng solusyon para dito. Dito magsisimula ang konsepto ng pagnenegosyo— paano ka magbibigay ng solusyon sa isang problema.

“I think that’s the most important thing because once you find a problem you want to solve passionately, there’s gonna be so many barriers — every single barrier you can possibly imagine. Once you get a crystal clear picture of the problem you want to solve, that’s sort of step one,” aniya.

Public Domain Image

Nagsimula lamang si Perkins sa ika-82 spot ng pinakamayayaman sa Australian’na may net worth na $1.32 billion.