#FamilyDayEveryday: Katakam-takam na pansit, espesyal na niluto ni Marian Rivera para sa pamilya




Mga imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera
  • Kinakarir talaga ni Marian Rivera ang pagiging ilaw ng tahanan
  • Dahil sa community quarantine, araw-araw ay ‘family day’ sa tahanan ng Pamilya Dantes
  • At para sa araw na ito, ipinagluto niya ang pamilya ng espesyal na pansit

Hindi lamang pantelebisyon ang career ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera. Kina-career din niya ang pagiging ilaw ng tahanan ng Pamilya Dantes.

Sa mga nagdaaang araw, lagi niyang ipinagpapasalamat ang mga oras na kasama niya ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Ginagawa niyang espesyal ang bawat sandali na kasama ang asawang si Dingdong at ang dalawa nilang cute na cute na anak na sina Ate Zia at Baby Ziggy. Pinagsisilbihan niya ang pamilya bilang asawa at ina.

Dahil sa community quarantine, araw-araw ay ‘family day’ sa tahanan ng Pamilya Dantes. At upang ipagdiwang ang mga pagkakataon na sila ay magkakasama, laging nagluluto ng espesyal na putahe si Marian.

Para sa araw ng Linggo, ‘pansit ala-Marian’ ang kaniyang niluto para sa pamilya.

“These days, every day is a family day, and I’m so thankful for every moment I get to spend with and for my loved ones – especially when I cook for them, kaya today nagluto ako ng Pansit para sa kanila… Have a ‘ginisarap’ Sunday everyone. Kain na!” ayon sa Instagram post ni Marian.

Maraming netizen ang natakam sa espesyal na presentasyon niya ng pansit.

“Very nice presentation all your posts look very neat whether food fashion and flower,” ayon sa komento ng isang netizen.

“Sarap naman nyan… at ang ganda mo, Mrs. Dantes!” ayon pa sa isang netizen.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Samantala, hindi lamang Pamilya Dantes ang nakatitikim sa mga lutuin ni Marian. Maraming beses na rin siyang nagluto para sa ating mga frontliners.

Source :

Instagram