Disenyo ng netizen para sa upgraded PWD ID card, hinangaan




Imahe mula kay Aia Arkoncel | Facebook
  • Kinabiliban ang disenyo na gawa ng isang netizen para sa upgraded ID ng mga kapuwa niya PWD
  • Gawa ito ng netizen na kinilalang si Aia Arkoncel
  • Gumamit din siya ng color coding at mga icon para mas madali umanong malaman ng ibang tao kung anong klaseng kapansanan mayroon ang tinaguriang PWD

Hinangaan sa social media ang ginawang disensyo ng isang netizen para sana sa upgraded ID ng mga persons with disabilities o kilala rin sa tawag na PWD.

Imahe mula kay Aia Arkoncel | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Aia Arkoncel, ibinida nito ang kaniyang thesis project na naglalayong mas mapadali ang buhay at malaman ang pagkakakilanlan ng mga kapuwa niya PWD.

“My thesis project is very close to my heart,” aniya.

“As a creative and a person with disability, I saw it as my duty to give back to my community in the best way I know how — design. I wanted to empower PWDs by upgrading the current ID and its benefits to a system that makes it more efficient and accessible for them,” dagdag ni Aia sa post.

Gumamit ang netizen ng iba’t ibang kulay sa disenyo ng PWD ID card na gawa niya.

Naglagay rin si Aia ng icons para mas mapadali ang pagtukoy kung anong klaseng kapansanan mayroon ang tinaguriang PWD.

“Through my research I found out that some PWDs experience discrimination because their disability is not visible,” paliwanag niya.

“By color coding the ID cards and adding icons, it adds visual cues on the kind of disability a person has without having to ask,” dagdag ni Aia.

Ipinahayag rin nito ang kagustuhan na mapagaan ang buhay ng mga kapuwa niya may kapansanan sa tulong ng kaniyang disenyo at app kaugnay ng mungkahing niyang PWD ID card.

Imahe mula kay Aia Arkoncel | Facebook

“PWDs feel like so much of their lives are not in their control,” aniya.

“Hopefully with this design solution we can take a step forward towards digitizing this ID system and give them a little bit more direction and control over their lives, and the confidence to live it out to the fullest,” sabi pa ni Aia sa post.

Source :

Facebook