Bagong babaeng nauugnay kay John Lloyd Cruz: “Nagpa-picture lang, jowa agad?”




Public Domain Image
  • Pinabulaanan ng babaeng nauugnay kay John Lloyd Cruz na siya ang bagong pag-ibig nito
  • Pinag-usapan kasi ng mga netizens ang larawan nila ng aktor na magkasama
  • Aniya, “Nagpa-picture lang, jowa agad?”

Isa sa mga hinahangaan at kinakikiligang aktor sa Pilipinas si John Lloyd Cruz. Marami ang nadadala sa paraan niya ng pag-iyak at pagpapakilig kahit hindi naman totoo sa tunay na buhay ang kaniyang relasyon sa kaniyang mga nakatambal. Kaya naman nang saglit siyang mawala sa limelight dahil sa mga personal na dahilan, hindi pa rin nawala ang interes sa kaniya ng publiko.

Kamakailan lamang ay muling umingay ang pangalan ni John lloyd matapos umano siyang maispatang may kasamang babae sa larawan. Ang naturang babae ay tinukoy na si “Jet Lee” o Maria Rica Cabarrubias na taga-Cebu at mahilig sa mga motorsiklo; patunay ang libo-libong followers nito sa Facebook page nito. Marami sa mga showbiz reporter ang nagsulat na baka ito na umano ang bagong pag-ibig ni John Lloyd.

Public Domain Image

Bagay na pinabulaanan naman ng Cebuana motovlogger sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 16, 2020.

“Shout out sa author pati na rin sa mga pages na gumagawa ng issue! Nagpa-papicture lang, jowa agad, uhaw na uhaw siguro sila ng followers para ma-boost din page nila, pag gusto n’yo sumikat pag sugba mo ice, rich mindset ba! Naunsa natog mo? HAHAHAHAHAHAHA,” ayon sa kaniyang caption na pinaghalong Tagalog at Cebuano.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Huh?! Naging issue agad yun?!? Don’t mind them, hija. They may just be kidding. Minsan kasi or madalas, insensitive ibang tao, makapagbiro lang. Stay beautiful and keep your heart pure! God bless and stay safe!” paalala ng isa.

Turan naman ng isa, “Kainis nga eh noong nakikita ko yung mga comment sa picture ninyo ni John Loyd, kahit mga tagahanga mo winawalanghiya ka eh. Basta JL (Jet Lee) wag mo na lang sila pansinin mas marami pa rin kaming legit na tagahanga mo. More power pa!”

“Relax lang idol ngitian mo na lang at huwag sila intindihin, marami talagang ganyan mga taong negatibo ang isip,” payo naman ng isa.

Public Domain Image

Naging maugong ang pakikipagrelasyon ni John Lloyd sa aktres at modelong si Ellen Adarna at ang pagsasapribado ng pagkakaroon nila ng anak. Kung gaano naging kaingay ang kanilang pagsasama, naging katumbas nito ang kanilang agarang paghihiwalay sa hindi pa malinaw na dahilan. Umamin si Ellen na may bago na siyang karelasyon: ito ay si Spanish football player na si Carlos Lemus.

Kahit hiwalay na, hindi pa rin umaalis sa Cebu si John Lloyd at ine-enjoy ang pribadong pamumuhay, bagama’t madalas ay napababalita na ulit siya ng ilang mga showbiz reporter na sumusubaybay sa kaniya at naghihintay sa anumang update sa kaniya.