Artwork at “hugot” ng netizen sa kilalang tatak ng condiments, kinatuwaan




Imahe mula sa Facebook account ni Raffy De Guzman / GUHIT Pinas
  • Kinatuwaan ng mga Facebook users ang artwork at “hugot” ng isang netizen
  • Nakabatay ito sa isang sikat na tatak o brand ng condiments
  • Nilikha niya ang artwork na nagpapakita ng kaniyang hugot gamit lamang ang ballpen at tissue paper

Masasabing sadyang mahusay sa “hugutan” o paggawa ng mga “quotable lines” ang mga Pilipino, na kadalasang nanggagaling sa kanilang mga karanasan at pinagdaanan sa buhay. Patunay ito na talaga namang malawak at malikhain ang pag–iisip ng karamihan, lalo na sa pagbuo o paglalaro sa mga salita.

Katulad na lamang ng ibinahaging Facebook post na nagpapakita ng “sketch artwork” ng netizen na si “Raffy De Guzman” kung saan makikitang “humugot” siya sa kilalang tatak o brand ng condiments, sa pamamagitan lamang ng ordinaryong ballpen at tissue paper. Ang hugot niya ay “Dati Kami: Panis Flavor” na mula naman sa “Datu Puti: Patis Flavor”.

Public Domain Image

Napabilib naman niya ang mga netizens na nakakita at nakabasa nito. Una, napakahusay ng ginawa niyang ‘artwork’ gamit lamang ang ballpen at tissue paper. Pangalawa, nagawan pa niya ng hugot ang karaniwang tatak o pangalan ng brand ng isang produkto, at naka-relate naman sa karamihan. Mataba ang utak, hindi ba?

“Gusto ko i-send sa kanya kaya lang naalala ko wala palang kami, dati oo… hahahaha bye! By the way, nice artwork. . Keep it up!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Mahusay naman! Sinong mag-aakalang puwede palang paghugutan ang Datu Puti? Hahaha. Kudos Kuya. Ang galing din po ng artwork ninyo. Sana makagawa pa po kayo ng ibang mga artwork na nagpapakita ng mga pick up lines, pampagood vibes lang sa lahat ng mga nangyayari.”

“Pwede pa-copy boss? Credits ko na lang? Hahaha nakakatawa kasi eh. Baka isend ko doon sa taong mahal ko pero hindi naman ako mahal dahil may mahal siyang iba. Hahahaha,” pabirong hugot naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Raffy De Guzman / GUHIT Pinas

Bago pa man mauso ang mga “hugot” o pick up lines sa kasalukuyan, nauna na rito ang ating mga ninuno. Tinatawag itong salawikain o kasabihan. Ito ang ginamit nila bilang gabay at patnubay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga sikat na salawikain ang “Kapag may isinuksok may madurukot,” “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,” “Habang maiksi ang kumot, matutong mamalukto,” “Kapag may tiyaga may nilaga,” at marami pang iba.

Source :

Facebook