Artistahin! Pre-school teacher mula sa Cavite kahawig ni Barbie Forteza; may free online lessons para sa mga bata




Larawan mula sa Facebook page ng Storybook Org PH
  • Vlogger ang isang pre-school teacher at ang content niya ay para sa pagkatuto ng kanyang mga estudyante
  • Gumagawa si Teacher Levin ng YouTube videos para sa mga bata para matuto sila kahit may pandemic
  • Agaw-pansin din ang looks ni ma’am dahil marami ang nagsasabi na kahawig niya ang aktres na si Barbie Forteza

Ngayong mayroong pandemya, mayroong new normal para sa edukasyon ng mga bata. Imbes kasi na sa eskwelahan sila papasok, sa bahay na lamang muna matututo ang mga mag-aaral bilang pag-iingat na rin sa C0VID-19.

At kahit hindi pa opisyal na nagbubukas ang klase, may ilang guro na gumagawa na ng paraan upang makapagpatuloy sa pagkatuto ang mga bata. Ganito ang diskarte ng isang pre-school teacher mula sa Bacoor City, Cavite na gumawa ng vlog channel para sa mga chikiting na gustong matuto kahit wala pang pasok.

Larawan mula sa Facebook page ng Storybook Org PH

Ibinahagi ng Facebook page na Storybook Org PH ang larawan ng public kindergarten teacher na si Teacher Levin. Matiyaga siyang gumagawa ng video sa kanyang YouTube channel ng mga lecture tungkol sa mga titik ng alpabetong Pilipino.

Gamit ang kanyang camera, matiyagang kinukuhanan ni Teacher Levin ng video ang sarili habang mayroong green background na gawa sa cartolina. Ang mga equipment naman ay nakapatong lang sa upuan at plastic container dahil walang sapat na kagamitan si Teacher.

Siya rin mismo ang nag-e-edit nito at nag-a-upload sa kanyang YouTube channel. Paliwanag ng guro, ginawa niya raw ang Titserye para sa mga batang nasa Key Stage 1. Na-inspire at natuto raw si Teacher Levin sa mga webinars na dinaluhan niya noong lockdown.

“I am very glad that the educational videos are able to help pupils learn even while they are in the safety of their own homes and aid teachers in the planning of future lessons in the online or blended learning modality,” pahayag ni Teacher Levin sa Storybook Org PH.

Larawan mula sa Facebook page ng Storybook Org PH

Pero maliban sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo, trending din ang guro dahil sa artistahin nitong looks. Marami kasi ang nagsasabi na kahawig niya ang Kapuso actress na si Barbie Forteza. Sabi nila, bagay daw talaga kay ma’am ang pagtuturo sa vlog niya dahil maliban sa mahusay itong guro, at artistahin din daw.

Maraming mga magulang naman ang nagpaparating ng kanilang paghanga sa guro. Ayon sa kanila, malaking tulong ang Titserye ni Teacher Levin lalo na sa mga magulang na inuumpisahan nang turuan ang kanilang mga anak.

Narito ang isang sample video mula sa channel ni Teacher Levin:

Source :

YouTube, Facebook