Angel Locsin, nag-react sa pag-like ni Sen. Tito Sotto sa isang Twitter post na nagsasabing “pro-NPA” siya




Public Domain Image
  • Nagbigay ng reaksyon si Angel Locsin sa pag-like ni Senador Tito Sotto III sa isang Twitter post laban sa kaniya
  • Nagpapahiwatig umano ang Twitter post na sumusuporta ang aktres sa mga NPA
  • Kilala si Angel bilang isa sa mga tumututol sa Anti-Terrorism Act of 2020 kung saan principal author ang senador

Kilala ang versatile actress na si Angel Locsin hindi lamang bilang mahusay na artista kundi isang pilantropo at pro-aktibo sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan, kaya tinagurian siyang “The Modern Darna” ayon na rin sa pinagbidahan niyang teleserye noong siya ay nasa GMA Network pa.

Kilala rin ang aktres sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin at opinyon sa iba’t ibang usaping panlipunan gamit ang kaniyang mga social media accounts.

Nitong Sabado, Hunyo, 6, 2020, nagbigay ng reaksyon si Angel sa pag-like ni Senate President Tito Sotto III sa isang Twitter post na nagsasaad na siya ay “pro-NPA” lalo pa’t mainit ang usapin ngayon hinggil sa pagpapatupad ng “Anti-Terrorism Act of 2020″. Ang NPA ay nangangahulugang “New People’s Army.

Imahe mula sa Twitter account ni Angel Locsin

Ayon sa Twitter post ni Angel, “Hi Senator Tito Sotto, I saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence. You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you.”

Matatandaang isa si Angel sa mga artistang nagpahayag na hindi sila pabor sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill, kung saan, ang principal author nito ay mismong si Senador Sotto. Kagaya ng iba, malakas ang panawagan ni Angel kaugnay sa pagbasura sa naturang bill dahil maaari daw jtong magamit upang mayurakan ang mga karapatang pantao gaya ng malayang pagpapahayag ng damdamin at madakip nang walang warrant of arrest.

Samantala, nilinaw naman ng Malacanang na hindi gagamitin para sa pagsupil ng karapatang pantao ang naturang batas. Urgent na raw kasi ito lalo pa’t apat na taon na itong nakabinbin sa Kongreso, at napapanahon na raw para sa mga nagnanais na magsamantala sa kinakaharap na krisis ngayon.

Public Domain Image

As of this writing ay wala pang tugon si Senate President Tito Sotto III sa Twitter post ni Angel Locsin.