Walang pinagbago: Netizens humanga sa ganda ni Angel Aquino sa larawan noong 1993 nang nasa UP-Baguio pa




Larawan mula sa Instagram post ni Angel Aquino at CinemaBravo
  • Trending sa social media ang larawan ng aktres na si Angel Aquino na kuha 27 taon na ang nakararaan
  • Mula ito sa yearbook ng UP-Baguio noong 1993 kung saan nagtapos ng MassComm si Angel
  • Ayon sa mga netizens, tila raw hindi tumatanda ang aktres at ganoon pa rin ang hitsura nito hanggang ngayon

Nagpamangha ang aktres na si Angel Aquino noong 2018 nang gawin niya ang pelikulang Glorious na mayroong May-December l0ve affair na tema. Katambal niya rito ang young actor na si Tony Labrusca at talaga namang pinag-usapan ang kanilang mga eksena sa nasabing pelikula.

Marami ang humanga kay Angel dahil sa edad nitong 47 ay kayang-kaya pa niyang makipagsabayan sa mga batang aktres ng henerasyon ngayon. Siya ang patunay na wala sa edad ang pagiging mahusay na aktres at isang simbolo ng kagandahan.

Larawan mula sa Facebook page na CinemaBravo

Trending nga ngayon sa social media ang larawan ni Angel sa yearbook ng University of the Philippines – Baguio na nakuhanan noong 1993. Kapansin-pansin na kahit hindi ganoon kalinaw ang larawan ay lutang na lutang ang ganda ng 20-anyos noong si Angel.

Nagtapos si Angel sa UP-Baguio ng BA Mass Communications Major in Journalism. Simple lang din ang motto ni Angel sa yearbook —  ‘Be Yourself.’ Makikita rin sa yearbook entry na aktibo siya sa iba’t ibang organisasyon tulad ng League of Filipino Students (LFS) at Alliance of Concerned Students.

Isa sa mga nag-upload ng larawang ito ni Angel ay ang Facebook page na CinemaBravo. Agad na umani ng 12,000 reactions na karamihan ay ‘l0ve,’ 200 comments, at 500 shares ang nasabing larawan ng Kapamilya actress.

Umapaw ang komento tungkol sa tila hindi kumukupas na ganda ni Angel. Ayon sa kanila, may lahi daw yatang bampira si Angel dahil parang hindi ito nagkakaedad. Hindi rin daw ito nagmumukhang nasa 40s na dahil bukod sa magandang mukha ay mahusay pang magdala ng kanyang isusuot.

Larawan mula sa Instagram post ni Angel Aquino

At sa mga nakakita na kay Angel sa personal, sinasabi nilang mas mapapamangha sa kagandahan niya ang sinumang makakikita sa kanya up-close. Mas mukha raw itong bata sa personal at magiliw pa sa fans na laging nakangiti.

Sabi naman ng ilan, mas mukha pa nga raw bata at mas maganda pa si Angel ngayon kaysa sa larawan niya sa yearbook nila. Aktibo si Angel sa ilang pelikula at proyekto sa telebisyon. Maliban dito, isa na ring ina si Angel sa kanyang dalawang anak na babae.