Vice Ganda sa kaniyang mga bashers: “Please unfollow me”




Mga imahe mula sa Facebook page ni Vice Ganda
  • Nasusubok ang pasensiya ng sinumang celebrities kapag may mga followers itong laging aktibo sa pagkokomento ng mga negatibong bagay
  • Bagama’t ilan sa mga celebrities ay umaabot pa sa sampung milyon ang mga followers, hindi lahat ito ay puro positibo ang naidudulot
  • Isa si Vice Ganda sa mga artistang pinuputakti ng mga bashers kaya hiling niya na i-unfollow na lamang siya ng mga ito

Nakakasakit ng ulo at kalooban ang pagbabasa ng mga negatibong komento sa social media. Halos lahat ng mga artista o social media personalities ay may mga bashers.

Bashers ang tawag natin sa mga netizens na laging naghahanap ng pagkakataon para masiraan o makalikha ng kaguluhan sa iba’t ibang social media platforms.

Imahe mula sa Facebook page ni Vice Ganda

Isa sa mga artistang nagpahayag nang diretsuhan sa kaniyang mga followers ay si Jose Marie Viceral o mas kilala bilang Vice Ganda.

Si Vice Ganda ay isa sa mga artistang umaabot sa halos sampung milyon ang followers sa iba’t ibang social media accounts.

Sa isang tweet, nakiusap si Vice sa kaniyang 13.6 million followers sa Twitter na manatiling follower niya kung okay pa sila kay Vice at sa mga tweets nito.

“Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdadaanan nyo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko, please continue following me. Salamat po,” ayon sa isang bahagi ng tweet.

Gayunman, mayroon din siyang pakiusap sa mga followers niya na ayaw na sa kaniya.

“Pero kung ayaw nyo sa akin at sa mga tweets ko, please do yourself a little favor. Please unfollow me. Don’t let me to annoy you. And don’t be a toxic follower,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa Facebook page ni Vice Ganda

Bukod sa Twitter, may 15.3 million followers si Vice sa Facebook at 9.2 million naman sa Instagram.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ni Vice sa kaniyang mga tagahanga. Inilunsad na niya ang isang bagong game show na pinamagatang Gabing Gabi na Vice kung saan namimigay siya ng mga papremyo.