Shamcey Supsup, ‘best birthday gift’ ang makapag-donate ng 100,000 meals sa mga nangangailangang kababayan




Imahe mula kay @supsupshamcey | Instagram
  • Taos-pusong nagpasalamat si Shamcey Supsup sa lahat ng mga tumulong sa kaniya na makapagbigay ng meals sa mga kababayang nangangailangan
  • Nasa 100,000 meals ang kanilang naipamahagi para sa mga frontliner at mga stranded citizens
  • Ayon kay Shamcey, iyon umano ang “best birthday gift” para sa kaniyang ika-34 kaarawan

Ipinagpasalamat ng dating beauty queen Shamcey Supsup ang matagumpay nilang pagtulong sa mga kababayang apektado ng C0VID-19 pandemic.

Imahe mula kay @supsupshamcey | Instagram

Sa parehong araw ng 34th birthday ni Miss Universe 2011 3rd Runner-up Shamcey Supsup, ibinahagi niya sa Instagram ang mga larawan ng itinuturing niyang “best birthday gift” na kaniyang natanggap.

Makikita rito ang mga nakangiting mukha ng ilang frontliners at stranded citizens na napamahagian nila mula sa 100,000 meals na kanilang inihanda noong mga nakaraang buwan.

“Today marks the end of our two-month long l0ckdown, though some areas are still under MECQ,” sabi niya sa kaniyang post noong May 16.

“In those two months, we have all experienced the effects of the virus not just to our health, but also to our livelihood. Still it has also shown us the best in humanity and how we could all be a blessing in this time of uncertainty,” dagdag pa ni Shamcey.

Sa halip na magpa-party ay mas pinili ng beauty queen na alalahanin ang mga natulungan nila noong nakalipas ba dalawang buwan.

Nagpaabot din siya pasasalamat si Shamcey sa mga taong nag-donate upang maisagawa ang naturang programa para sa mga naapektuhan ng lockdown.

I-click ang imahe para makita ang buong post

“Thank you to our friends, sponsors, donors and partners, together with @byahengbusog we were able to give out 100,000 meals to date to our frontliners, skeletal workforce and stranded kababayans,” aniya.

“This is still for me, the best birthday gift ever,” dagdag pa ni Shamcey sa post.