Sen. Cynthia Villar, nag-sorry dahil sa inisyal na pahayag ukol sa pagbibigay ng cash aid para sa middle class workers




Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Cynthia Villar
  • Nag-sorry si Senator Cynthia Villar dahil sa nauna nitong pahayag tungkol sa pagbibigay ng cash aid para sa mga middle class workers
  • Ayon sa senador, hindi niya nais makasakit ng damdamin ng mga nabibilang sa middle class
  • Sinabi rin ni Villar na kinikilala niya ang naiaambag ng mga ito sa ekonomiya ng Pilipinas

Humingi na ng paumanhin si Senator Cynthia Villar sa mga nasaktan dahil sa nakaraan niyang pahayag ukol sa hindi pagsama ng mga middle class workers sa social amelioration program o SAP.

Imahe mula sa Facebook page ni Senator Cynthia Villar

Ayon sa senador, hindi niya nais makasakit ng damdamin ng mga napabibilang sa middle class.

“My statements during the hearing yesterday was not in any manner meant to be an affront to the hardworking middle class of the country,” ani Villar sa kaniyang pahayag.

“I might have framed my questions and statements in such a manner that made it seem I was insensitive to the plight of the middle income sector. I am NOT. I am concerned and I look out for the welfare of the middle income workers,” dagdag niya.

Iginiit rin ng 2019 election Top 1 Senator na nagmamalasakit siya sa kalagayan ng mga mamamayang kabilang sa middle class lalo’t malaki ang naiaambag ng mga ito sa ekonomiya ng Pilipinas.

“If I have offended anyone with my statements, I humbly apologize,” ani Villar. “I recognize the workers’ contributions to the country and their families.”

Paliwanag ni Villar, sinagot lamang niya sa kaniyang naunang pahayag ang mga katanungan noon kung bakit may mga manggagawa na kabilang sa middle class ang hindi nakasali sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP.

Larawan mula sa Facebook page ni Senator Cynthia Villar

“Congress has intended the SAP funds to benefit the poor and the unemployed. Lawmakers made sure that we were clear about the targeted beneficiaries of the cash assistance,” giit niya.

“The workers who continue to receive their salaries during the quarantine were excluded as eligible beneficiaries because they did not lose their income even amid the strict quarantine setup,” ayon pa sa sendor.