Sam Milby nagpahiwatig ukol sa estado ng relasyon nila ni Catriona Gray




Mga imahe mula sa Instagram account nina Sam Milby at Catriona Gray
  • Nagdiwang ng ika-36 kaarawan ang aktor na si Sam Milby nitong Sabado, Mayo 23
  • Kasabay nito ang kaniyang pagpapahiwatig ukol sa estado ng relasyon nila ni 2018 Miss Universe Catriona Gray
  • Para kay Sam, espesyal sa kaniya si Catriona na sinabihan niyang “worth every second of the wait”

Isang makahulugang Instagram post ng aktor na si Sam Milby ang pumukaw sa interes ng mga netizens kung saan first time din niyang ibinahagi ang isang larawan na kasama niya si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” ayon sa post ni Sam.

Imahe mula sa Instagram account ni Sam Milby

Bago iyan, nagkaroon muna ng special Facebook live session ang Cornerstone Entertainment, Inc. para sa birthday ng kanilang talent na si Sam. Nagsilbing host nito sina John Prats at ang komedyanteng si Pooh.

May mga artistang nagbigay ng mensahe kay Sam ngunit naging mas masigla ang daloy ng kanilang usapan nang ipakita na ang video greetings ni Catriona.

“Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many,” sabi ni Catriona.

Ibang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Sam nang makita si Catriona. Nahihiya pa itong umamin kina John at Pooh kung ano ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Umamin naman si Sam na kinikilig siya at nahihiya.

“Thank you and yes, you’re special,” isa sa mga nasabi ni Sam para kay Catriona.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay isa ang pangalan ni Sam sa mga “manliligaw” umano ni Catriona. Ngunit nilinaw iyon noon ng dalaga.

“[Si] Sam naman, we go to the same church, we’re under the same management, so friend naman siya,” paliwanag noon ni Catriona nang mag-guest ito sa isang episode ng Tonight with Boy Abunda.

Mga imahe mula sa Instagram account nina Sam Milby at Catriona Gray

Samantala, marami ang natuwa sa Instagram post ni Sam .

“Perfect match! God bless both Sam and Cat! Happiest birthday, Sam!” ayon sa isang netizen.

Maaaring panoorin sa ibaba ang Facebook live session para kay Sam Milby: