Online Barter system buhay na buhay sa isang pamayanan sa Iloilo




Public Domain Image
  • Muling binuhay ng isang online community sa Iloilo ang sistemang barter
  • Ito ay makalumang paraan ng pakikipagkalakalan noong unang panahong hindi pa uso ang paggamit ng pera
  • Ginawa raw nila ito upang makatulong sa mga kapwang lubos na nangangailangan na walang maipambili ng pagkain, gamot, at iba pa

Ang sistemang barter o pagpapalitan ng produkto ay ginagawa noong unang panahon, bago pa man maimbento ang paggamit ng pera. Naipapalit ang isang kilong asin sa bigas, tela sa mga kagamitang porselana, at marami pang iba. Sinong mag–aakalang muli itong maipanunumbalik sa panahon ngayon?

Iyan ang ginawa ng isang online community sa Iloilo kung saan ibinalik nila ang makalumang paraan ng kalakalan noon na tinawag na “Iloilo Barter Community” bilang isa sa mga inobasyon dulot na rin ng ipinatupad na community quarantine, na naging dahilan upang mabawasan ng kita ang marami.

Public Domain Image

Sa pamamagitan ng pakikipagtransaksyon online, sinumang kasapi ng kanilang online community ay malayang mag–post ng larawan o video na nais nilang ipagpalit. Kung may magpakita ng interes dito, malaya rin silang magkita upang maisagawa ang swapping.

“Kami ng mga Ilongga friends ko as well as my partner na hindi nga taga-dito sa amin, we thought of bringing it to Iloilo kasi kami mismong mga business owners, medyo hirap nang maglabas ng cash at hindi pa bumabalik yung operations ng mga businesses natin,” panayam sa creator ng online community na si Charity Delmo sa CNN Philippines.

Sa kanilang pakikipagkita, kinakailangan ding nakasuot sila ng face masks o face shields at sundin ang social distancing habang nagpapalitan ng goods.

Ayon pa rin kay Delmo, patok sa kanilang online barter ang palitan ng bigas, face masks, alcohol, prutas, gulay and at iba pang mga pangunahing pangangailangan na dati raw ay binabalewala naman ng mga tao.

Makikita raw sa gawaing ito ang mga taong nagnanais talagang tumulong sa kanilang kapwa. Marami raw silang mga negosyanteng kasapi sa online community.

“Ang mga members natin, may mga boss diyan, may mga business owners, pero hindi yun ang nagma-magnify. Yung mga nama-magnify yung kindness ng Ilonggo, yung willingness to share to other people, yung kusang tumutulong,” ani Delmo.

Public Domain Image

Ito ay isang magandang gawain na nararapat lamang ipagpatuloy!