Nico Bolzico ibinahagi ang nakaaaliw na ‘kuwentuhan’ nina Pochola at Baby Thylane




Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico
  • Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Nico Bolzico ang nakatutuwang ‘kuwentuhan’ ng kaniyang asong si Pochola at ng unica hija na si Baby Thylane
  • Sa post, tila kinakausap ni Pochola si Baby Thylane tungkol sa mga kasapi ng kanilang pamilya
  • Ipinagdiriwang ng pamilya Bolzico ang ikalimang buwan ni Baby Thylane sa kanilang buhay

Isa sa mga celebrity babies na tiyak na aabangan ang pagpasok sa showbiz—kung mamarapatin ng kaniyang mga magulang—ay ang unica hija nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff na si Baby Thylane.

Limang buwan na si Baby Thylane kaya bilang bahagi ng pagdiriwang na ito ay isang nakatutuwang Instagram post ang ibinahagi ng kaniyang Daddy Nico.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

Makikita sa post ang larawan ni Baby Thylane na tila nakikipag-usap kay Pochola, ang alagang aso ng mag-asawa.

“Pochola to Thylane: “Let me explain to you how things work around here little one.
First, your mother is the ultimate boss, we all make El Padre believe he is also a boss, but he has no real valid authority,” ang pambungad na post ni Nico.

Siyempre, isa-isang “pinakilala” ni Pochola ang iba pa nilang alagang hayop tulad ng dalawang pagong na sina Patato at Pechuga, ang pusang si El Gato, at ang bago nilang tropa na si Picante.

“Patato is our ancient advisor, we go to him when we are confused, he also runs an illegal cartel of lettuce in the house but I am not allowed to talk about it, the less you know the better,” ayon pa sa post.

“El Gato is a good guy but extremely moody, just don’t talk to him during the mornings. Pechuga is very feisty, you need to be careful, only talk to her when she is not hungry, this applies to your mother also,” dagdag pa na ‘paliwanag’ ni Pochola.

“There is a new guy called Picante, that I haven’t figure it out yet. That is all for now, when you turn 6 months I explain to you other aspects of the #SosBolz House,” ‘dagdag’ pa ni Pochola.

Si Pochola ang tumatayong “ate” ni Baby Thylane batay sa post.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

“Happy 5th-month little one! I’ll be here to take care of you always, don’t worry about anything, I am your Ate, you know?” pagwawakas ni Pochola—este ng post ni Nico.

Aabangan namin ang iyong 1st birthday, Baby Thylane!

Source :

Instagram