#NewNormal: Kim Chiu lumabas at tumulong suot ang kaniyang mala-OOTD na pananggalang sa virus




Mga imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu
  • Makalipas ang dalawang buwan na pananatili sa bahay ay lumabas si Kim Chiu upang magpaabot ng tulong sa ilan nating mga kababayan
  • Suot niya ang mga pananggang kontra sa COVID-19 tulad ng gloves, face mask, at face shield
  • Tila “new normal” na ang mala-OOTD niyang kasuotan kahit matapos na ang community quarantine

Kahit matapos ang community quarantine, maaaring maging normal na sa atin ang social distancing at ang pagsusuot ng gloves, face mask, face shield, at iba pang kasuotang pananggalang laban sa COVID-19.

Ito ang realisasyon ng ‘chinita princess’ na si Kim Chiu nang lumabas siya ng kaniyang bahay matapos ang dalawang buwan.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

Sa loob ng anim na oras na paglabas ni Kim para magbigay ng tulong sa ilan nating kababayan ay suot niya ang gloves, face shield, at face mask bilang bahagi ng pag-iingat. May baon din siyang alcohol at quarantine pass.

“In two weeks, we will be out there again. After hibernating for 2 months, I wonder how it will be outside. This photo [kung saan makikita ang kaniyang mala-OOTD] was taken when I was out for 6 hours to give help to our kababayans,” paliwanag ni Kim.

Inamin ni Kim na kakaiba ang kaniyang naramdaman habang nasa labas ngunit paano pa raw kaya kung lahat na tayo ay maaari nang makalabas at patuloy na makikipaglaban sa virus na hindi natin nakikita.

“I felt different but what more will it be if all of us are outside again fighting for a virus that we can’t even see. Praying for everyone’s safety,” ayon pa kay Kim.

Nanawagan din siya na panatilihin nating malakas at malusog ang ating katawan; gayun din ang ating isipan.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

“Let us all prepare for the next wave of battle that we will be facing. We can do this!” dagdag pa nito.

Pinaalala rin niya na huwag tayong mawawalan ng pag-asa at laging manalig sa Diyos. Ginamit din niyang hashtag ang “Wag Kang Bumitaw” na pamagat ng kaniyang bagong kanta.