Netizens nagpasalamat na hindi pa nauso ang bakal na hanger noon dahil mas malupit daw itong pamalo kung nagkataon




Larawan mula sa Twitter account ni Joy Espiritu at Facebook post ni Koya Pektus
  • Trending sa social media ang larawan ng makapal at mas matibay na hanger na gawa sa bakal
  • Ipinagpapasalamat kasi ng mga netizens na hindi pa ito uso sa kanilang panahon at plastic na hanger lamang ang abot-kamay ng mga magulang noon
  • Mas malupit daw kasing pamalo ito kaysa sa mga plastic hanger kaya naman feeling blessed pa rin sila 

Biruan ng mga batang 90s at 2000s na ang kani-kanilang mga magulang, kasama ang ilang lolo at lola, ay mayroong kakaibang sandata upang bigyan sila ng disiplina noong musmos pa sila. Mayroong pingot ang  ginagamit pang-disiplina sa mga bata habang ang ilan naman ay ang sinturon, tsinelas, at hanger ang ‘weapon’ para sa mga bagets.

Kaya naman laking pasasalamat ng ilang netizens na mga plastic na uri lang ng hanger ang uso noon. Sa isang pamilihan kasi, ibinebenta ang bakal na uri ng hanger na ibinida sa isang post na buti na lang daw ay ngayon lamang lumalaganap.

Larawan mula sa Facebook post ni Koya Pektus

Sa post ng Facebook page na Ibulong mo Kay Koya Pektus, makikita ang isang set ng bakal na hanger na mas makapal at mukhang mas matibay sa regular na plastic na hanger.

Ayon sa caption, buti na lamang daw at ngayon lang naisip ang ganitong klase ng hanger kung hindi, lagot na ang mga bata noon na mahahataw nito ng kanilang mga magulang.

“Buti na lang ngayon lang naisip yung mga ganitong hanger… Kung hindi, ay sus!” pahayag ng nasabing Facebook page na umani na ng 7,700 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 800 comments, at 28,000 shares.

Maraming netizens naman ang naka-relate sa post. Gets na gets nila ang tinutukoy ni Koya Pektus sa kanyang post. Dahil kung nauso nga naman ito noong kanilang kabataan, tiyak na mas malakas daw ang hagupit na naranasan nila sa mga nanay nila.

Maraming komento ang inihahalintulad sa mga nilalaro nilang video game ang magiging ‘pinsalang’ dulot ng hanger. Mayroon silang kanya-kanyang “statistics” sa magiging epekto nito kapag ipinalo na ito sa makukulit na bata.

Larawan mula sa Twitter account ni Joy Espiritu

May ilang nanay naman na parang gustong bumili ng bakal na hanger. Tanong nila, saan daw ba ito nabibili para naman mas mabisa ang panakot nila sa mga bata ngayon.  Ang ilang nanay naman, curious sa hanger dahil sa kalidad nito. Mukhang sulit daw bilhin dahil mukhang pangmatagalan.

Salaysay naman ng ilan, mayroon na raw talagang bakal na hanger noon, ngunit mas manipis kaysa doon sa trending na larawan. Nahataw na raw sila ng mga ito at tunay ngang mas ‘malupit’ ito kaysa sa ordinaryong plastic na hanger. Ouch!