NCCA magbibigay ng P5K cash assistance sa mga artists, cultural workers na apektado ng quarantine




Imahe mula sa official website ng NCCA
  • Magpapaabot ng tulong pinansiyal ang NCCA sa mga alagad ng sining na apektado ng quarantine
  • Inanunsiyo ng ahensiya na handa silang magbigay ng P5,000 cash assistance para sa mga artists at iba pang cultural workers na nawalan ng trabaho dulot ng pandemic
  • Tinatayang nasa 600 benepisyaryo ng visual arts community ang makatatanggap ng tulong mula sa NCCA

Patuloy ang pagpapaabot ng tulong pinansyal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga alagad ng sining na apektado ng lockdown.

Imahe mula sa Facebook page ng NCCA

Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong May 1, nanawagan ang NCCA para sa mga indibiduwal na nasa visual arts community na magpasa ng mga kinakailangangan dokumento upang makakuha ng cash assistance mula sa ahensiya.

Ayon sa updated guidelines na inilabas ng NCCA, maaaring mag-apply ang mga artist, curator, educator, conservator, archivist, historian, writer/editor, arts manager, exhibition designer, exhibition installer at iba pang nasa related professions na freelancer na nawalan ng hanapbuhay dahil na rin sa quarantine.

Tinatayang nasa 600 benepisyaryo mula sa visual arts community ang makatatanggap ng tulong mula sa NCCA.

Ang bawat qualified individuals ay maaaring makatanggap ng P5,000 cash assistance mula sa inilaan na P3M Cash Assistance Fund ng NCCA.

Kinakailangan ding magsumite ng mga indibiduwal ng government ID na may kasamang larawan at kasalukyang address, complete contact information, at Declaration of Recipient: First time grantee form na may kumpletong detalye.

Imahe mula sa Facebook page ng NCCA

Ayon pa sa NCCA, ang deadline ng submission ay hanggang May 10 lamang.

Tuloy-tuloy naman ang announcement ng ahensiya sa kanilang Facebook page para sa iba pa nilang programa at tulong para naman sa iba pang mga alagad ng sining na napapabilang sa ibang sektor.

Source :

Facebook, NCCA