Natatanging face masks, ginawa para sa deaf community




Imahe mula sa Facebook page na Klodia's Face Masks
  • May kakaibang face masks para sa deaf community
  • Ang puwang o butas sa gitna na nasa bandang bibig ay may transparent na plastic
  • Kailangan daw ito para sa mga taong umaasa sa lip reading

Lahat ng tao ay may karapatang makapagpahayag at maibulalas ang kaniyang opinyon, saloobin, at damdamin sa maraming bagay sa daigdig, sa alinmang paraang naisin niya at nasasaklaw pa rin ng mga limitasyon, kahit na walang kakayahang makakilala ng makabuluhang tunog sa paligid at makapagsalita. Sila ang mga pipi at bingi.

Subalit iyan ang sinolusyunan ng “Klodia’s Face Masks” sa ibang bansa matapos nilang ibahagi ang kanilang natatanging face mask para sa deaf community.

Ayon sa kanilang Facebook post, “For all our deaf, hard of hearing or hearing friends that rely on lip reading, we came up with this design.”

Imahe mula sa Facebook page na Klodia’s Face Masks

Makikita sa mga kalakip na larawan na nagdisenyo sila ng mga face masks na may puwang o butas sa bandang bibig upang magamit ng mga may kapansanan sa pandinig, o yaong mga umaasa sa lip reading. Sa puwang o butas sa bandang bibig ay may inilagay na transparent na bagay upang maprotektahan pa rin ang gagamit nito sa coronavirus.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“This is a wonderful idea! But the question is on HOW to clean them with clear vinyl?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “These are great! My husband is HH and really relays on lip reading. I’m a speech pathologist in the schools and if we have to go back with masks, something like this will be the only way I can do my job.”

“NICE!!! I am a deaf customer who relies heavily on lip reading. If I am able to purchase a face mask, please let me know. I am interested in getting a few. Thanks so much!”

Sa America, isang 21 taong gulang na mag–aaral ng deaf education mula sa Eastern Kentucky University ang gumawa ng ganitong face mask para sa mga hearing-impaired. Aniya, “Those who rely on lip-reading or ASL to communicate are often cut off from their source of communication when doctors and nurses don surgical masks. So there must be masks also specially made for them.”

Imahe mula kay Ashley Lawrence/Thazin Maw

Sa Burma naman o Myanmar, ipinakita naman ni Thazin Maw ang paggamit ng kakaibang face mask na ito na bagay raw sa mga fashionista at “lipstick is life” na kababaihan. Sayang nga naman ang lipstick kung hindi mairarampa dahil sa COVID–19.