Mini-me ng primetime queen: Zia Dantes nagsuot ng Darna costume bilang Mother’s Day greeting kay Marian Rivera




Larawan mula sa Instagram post ni Marian Rivera
  • Trending sa social media ang cute na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia
  • Kakaiba kasi ang paandar ni Zia para batiin ng happy Mother’s Day ang kanyang ina
  • Nagsuot kasi ito ng Darna costume na isa sa mga iconic role ni Marian bilang isang aktres

Isa sa mga celebrity na mapalad na nakapagsuot ng iconic Darna costume ay si Marian Rivera. Naging matagumpay ang kanyang lipad bilang huling Darna mula sa GMA Network at naging kadikit na ng kanyang pangalan ang pagiging sikat na Pinay superhero.

At ngayong Mother’s Day, isang pagpupugay ang ibinigay ng anak nina Marian at Dingdong Dantes na si Zia para sa primetime queen. Nagsuot din kasi ang panganay nila ng Darna costume bilang pagkilala sa kanyang superhero mommy, sa likod at harap ng camera.

Larawan mula sa Instagram post ni Marian Rivera

Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram post ang paandar ni Zia para sa Mother’s Day. Cute na cute si Zia sa kanyang Darna costume na nag-pose pa katulad ng iconic poses ni Marian noong gumanap na Darna noong 2009.

Pero giit ni Marian, sa lahat ng roles na ginampanan niya, ang pigging ina raw ang pinakamasarap sa lahat, lalo pa’t mayroon siyang bibong anak tulad ni Zia, at ang bunso nilang si Baby Ziggy.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa mini-me ni Marian. Ayon sa kanila, kamukhang-kamukha raw ni Marian ang anak at katulad ng ina, bagay din daw kay Zia ang pagiging Darna. Maging ang pag-pose bilang superhero ay tila namana rin ni Zia sa ina.

Napakomento rin ang isa pang iconic Darna na si Angel Locsin. Ayon sa dating Kapuso star, mukhang si Zia na raw ang magmamana ng bat0 ni Narda. Sabi naman ni Regine Velasquez na gumanap din bilang Darna, si Zia na raw ang pinaka-cute na baby girl sa mundo.

Larawan mula sa Instagram post ni Marian Rivera

Maging iba pang Kapamilya stars ay hindi mapigilang humanga sa cuteness ni Zia. Nag-iwan ng kanilang pagbati kay Marian at pagkaaliw sa kabibuhan ni Zia sina Moira dela Torre, Jessy Mendiola, Pokwang, at ang kasalukuyang Darna na si Jane de Leon.

Matatandaang gumawa si Marian ng isa pang serye ng Mars Ravelo’s Darna noong 2009 matapos ang bersiyon ng GMA Network noong 2005 na pinagbidahan naman ni Angel.