Milyonarya? Larawan ng babae na tinatakluban ng isa pang babae habang nagwi-withdraw sa ATM, nag-trending




Larawan mula sa FB Page na Rated PG at Freepik
  • Trending ngayon sa social media ang larawan ng dalawang babae na nagwi-withdraw sa isang ATM
  • Tinatakluban kasi ng isang babae ang kasama niyang gumagamit ng machine sa pagkuha ng pera
  • Kanya-kanyang haka-haka naman ang mga netizen sa dahilan ng pagtatakip sa pagwi-withdraw

Sa panahon ngayon, kahit mayroong pandemya, ay naglipana pa rin ang mga kababayan nating may hindi magandang balak sa kapuwa. Madalas mabalita ngayon ang pag-hack ng ilan sa bank account ng mga mayroong transactions online. Maging ang ilang e-money platforms ay pinagkakakitaan na rin ng mga mandurugas.

Kaya naman bilin ng mga awtoridad, kailangang mag-ingat lalo na kung may kinalaman sa pera ang gagawing transaksiyon. Tila isang babae naman ang sumunod sa mga awtoridad at ginagawa ang lahat upang maprotektahan ang sarili habang kumukuha ng pera sa isang automated teller machine (ATM).

Larawan mula sa FB Page na Rated PG

In-upload ng Facebook page na Rated PG ang larawan ng isang babae na nagwi-withdraw ng pera sa ATM. Pero hindi tulad ng normal na pagkuha ng pera sa machine, may dala pang back-up si ate upang takluban siya ng tela habang ginagawa ang transaksyon.

Ayon sa ilang netizens, wala namang masama sa ginawang ito ng dalawang babae dahil karapatan nilang maproteksyunan ang mga sarili lalo na’t marami din ang nakapila sa kanilang likod. Maaari din daw kasing makita ang balance sa screen na maaaring maging banta sa seguridad ng ale.

Sabi naman ng ilan, hindi kailangang husgahan ang babae dahil baka mayroong ibang rason sa pagtaklob nila ng machine habang ginagamit. Baka raw masyadong maliwanag noong araw na iyon at hindi maaninag ng gumagamit ng ATM ang screen na nangyayari naman talagang madalas.

“Wag tayo masyadong judgmental. Minsan ‘yung atm, hindi maaninag if exposed sa araw or maybe just for her security or satisfaction,” sabi ng isang netizen.

Larawan mula sa Freepik

Dahil dito, nag-trending ang larawan sa social media. Habang isinusulat ang kuwentong ito, mayroon nang 25,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 3,500 comments, at 61,000 shares ang nasabing post.

Iwas-COVID: Netizen ipinayo na gumamit ng cotton buds sa pagdutdot ng keypad at screen ng mga ATM

Kamakailan din ay naiulat ang kakaibang diskarte ng isang netizen sa paggamit ng ATM sa panahon ng pandemya.

Ayon sa kanya, mas makabubuti raw na gumamit ng cotton buds sa pagpindot ng keypad at touch screen upang makaiwas sa pagkahawa sa anumang virus.