Iya Villania-Arellano, ipinakita ang baby bump, tiger stripes habang karga ang ikalawang anak




Mga imahe mula sa Facebook page ni Iya Villania
  • Malapit nang isilang ang ikatlong anak nina Iya Villania at Drew Arellano
  • At habang hinihintay ang paglabas ng kanilang baby, nagkaroon muna ng bonding moment si Iya sa kaniyang ikalawang anak na si Baby Leon
  • Kahit nasa trimester na ng kaniyang pagbubuntis, buong giliw pa ring nakikipag-bonding si Iya kay Baby Leon

Ilang linggo na lamang ang hinihintay ng mag-asawang TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano para sa pagsilang ng kanilang ikatlong anak.

At bago lumabas ang kanilang baby, masayang ibinahagi ni Iya ang isang larawan kung saan makikita ang kaniyang baby bump. Proud din niyang ipinakita ang kaniyang tiger stripes na bunga ng kaniyang panganganak sa itinuturing pa rin niyang bunso na si Leon, 2 years old.

Imahe mula sa Facebook page ni Iya Villania

Sa larawang iyon ay karga-karga pa niya si Baby Leon.

“My bunso just for a few more weeks. And yes, those are tiger stripes given to me also by this little boy when he was in my tum,” ayon sa Instagram post ni Iya.

Ang tiger stripes ay termino para sa mga stretch marks na lumalabas sa third trimester ng pagdadalang-tao ng isang babae.

Hindi inalam nina Iya at Drew ang kasarian ng kanilang ikatlong anak. Nais umano nilang masorpresa kung lalaki o babae ang nasa sinapupunan ni Iya.

Sina Iya at Drew ay sampung taon munang naging magkasintahan bago nagpakasal noong 2014. Ang kanilang panganay na si Primo ay ipinanganak noong Agosto 2016 at si Leon naman ay noong Agosto 2018. Halatang planado ang dalawang taong pagitan ng edad ng kanilang mga anak.

Imahe mula sa Facebook page ni Iya Villania

Nito lamang Enero 2020 inianunsiyo sa publiko ng celebrity couple ang ukol sa inaasahan nilang blessing sa kanilang buhay.

Samantala, maaari ding subaybayan ang Pamilya Arellano sa YouTube channel nilang Life with the Arellanos.

Sina Iya at Drew ay isa sa mga celebrity couples na relationship goal ng marami ang love story.

Tara na’t sumilip sa isang video ng mga Arellanos: “Just another day int the life of the Arellanos!