Panoorin: “Family game” sa panahon ng community quarantine, kinatuwaan




Imahe mula sa Facebook page na JW Games
  • Maraming paraan upang mapawi ang boredom sa panahon ng community quarantine
  • Isa na rito ang paglalaro ng family game na ibinahagi sa isang Facebook page
  • Marami naman sa mga netizens ang nakaugnay rito

Sabi nga, lahat ng mga bagay at pangyayari sa paligid ay may magaganda at hindi magagandang naibubunga. Kung may itatala mang magandang naidulot ang COVID–19, ito ay ang nagawa nitong mapagsama–sama ang mga kasapi ng isang pamilyang madalas ay hindi nakokompleto noon dahil sa pagiging abala.

Iba’t ibang gawain at games ang ginawa ng iba upang maibsan ang pagkabagot, at naging daan na rin upang makapagsagawa ng family bonding. Patok sa mga netizens ang ibinahaging family game sa Facebook page na “JW Games”.

Imahe mula sa Facebook page na JW Games

Makkikita sa video na kailangan lamang ng dalawang papel at pentel pen o anumang panulat. Ang isang manlalaro ay nakatalikod at nakaharap sa makinis na pader o dingding na maaaring pagsulatan. Sa likod niya, ipapatong ng isa pang manlalaro ang kaniyang papel. Sisimulan niya ang pagguhit sa naturang papel, na kailangan namang gayahin ng manlalarong nakapatong ang papel sa dingding.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“I do this game in my art classes but with a row of children. It’s fantastic what happens in the end. Hahaha. I miss my students,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This is so awesome – so simple and so much fun. I’d love to play this game with all the kiddies who love drawing.”

“Me and my husband kind of do this. We write words with our fingers on each other’s back and try to guess what the other person wrote,” saad naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “I loved it! Teaches so much about communication, thinking and biases.”

Imahe mula sa Facebook page na JW Games

S’yempre, sa ngayon ay maaari lamang itong gawin sa mga kasapi ng pamilya, o mga taong kasama sa iisang bubong sa panahon ng community quarantine. Kailangan pa kasing sumunod sa social distancing hangga’t mataas pa rin ang kaso ng COVID–19 sa bansa.

Tara na’t silipin ang video na kanilang ibinahagi at ating subukan sa ating pamilya!

Source :

Facebook