Brilliant idea ba? Improvised inidoro kinaaliwan ng mga netizens




Imahe mula sa Facebook page na Papa
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang “improvised inidoro” sa loob ng sementado ngunit walang pinturang kasilyas 
  • Ang inidoro ay mahalagang kagamitan sa loob ng palikuran kung saan inilulusot ang “tawag ng Inang Kalikasan”
  • Impluwensiya ng mga Espanyol ang pagkakaroon ng kasilyas o kubeta sa loob ng tahanan at gusali

Madalas ka bang makaramdam ng “tawag ni Inang Kalikasan” at medyo pihikan din sa inuupuang “trono”?

Kinatuwaan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa” kung saan makikita ang isang kasilyas o makalumang palikuran. Ang nakatutuwa rito, walang tipikal na inidoro ang naturang kasilyas.  “Improvised” lamang ito sa pamamagitan ng semento, nilagyan ng butas sa gitna, at pinatungan ng sirang monoblock na upuan.

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Brilliant idea! Hahaha. Iyong tipong masusuka ka muna bago ka makadumi? Hahaha. Okay na sana yung sementado, pero bakit kailangan pang lagyan ng monobloch chair sa ibabaw? Parang kadiri na hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang bright naman ng taong nakaisip nito hahaha. Pero mas mabuti na ang ganiyan, noon kasi, hindi pa uso ang mga kubeta. Kung saan-saan lang pumupupu ang mga tao.”

“Sus, wala iyan sa amin sa probinsya. Malawak ang kasilyas namin. Sa malawak na bukirin! Minsan sa pagitan ng mga pilapil kami hahaha, tapos hindi pa uso ang tissue paper, hahanap ka lang ng dahong pamunas hahaha,” pagbabahagi naman ng isa.

Noong unang panahon, isinasagawa ng ating mga ninuno ang tawag ng Inang Kalikasan sa malawak na lupa, bukirin, kakahuyan, talahiban, at sa iba pang madadawag na lugar. Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa, itinuro nila ang pagiging domestikado ng mga tahanan. Isa na riyan ang pagkakaroon ng kubeta o kasilyas.

Public Domain Image

Ang modernong inidoro ay karaniwang gawa sa porselana o marmol. Ito rin ay may flush upang mapadausdos patungong pozo negro ang ihi o dumi ng tao. Samantala, naging tipikal din ang paggamit ng arinola noon lalo na sa mga tinatamad nang lumabas ng kanilang silid.

Mahalaga ang pagkakaroon ng kubeta, kasilyas o palikuran sa isang bahay o gusali. Tinatawag naman itong banyo kung kasama na ang lababo at liguan kagaya ng bath tub at shower area. Tinatawag namang portable toilet ang mga palikuran na nasa kalsada na laan para sa mga biyahero o mga taong nasa kalsada at biglang tinawag ni Inang Kalikasan.