Bea Alonzo nakahanap ng kapanatagan sa mga halaman at pagpipinta na bago niyang libangan




Mga imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo
  • Marami sa atin ang naghahanap ng mga bagong mapagkakaabalahan na maaaring makapagdulot sa atin ng kapanatagan sa gitna ng laban kontra COVID-19
  • Isa na rito ang aktres na si Bea Alonzo na sinubukan na rin ang pagpipinta
  • Sa kaniyang ‘work area’ ay makikita rin ang mga halaman na nagsisilbi ring subject ng kaniyang mga likhang-sining

Sa mahigit dalawang buwan nating pananatili sa loob ng ating mga pamamahay bunsod ng community quarantine, marami sa atin ang nakatagpo ng mga bagong mapagkakaabalahan.

Halimbawa na rito ang aktres na si Bea Alonzo.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Bagama’t naging abala sa paglikom ng pondo para makatulong sa mga kababayan natin sa panahon ng krisis, kailangan pa rin niyang maghanap ng bagong pagkakaabalahan na makapagdudulot sa kaniya ng kapanatagan ng kalooban.

Ang kapanatagang ito ay natamo niya sa bago niyang hobby — ang pagpipinta.

“Trying different things in this unprecedented time. Never even thought of painting before, (don’t judge! I just started and not claiming to be good at it!) But I realized, arts and plants go very well together,” paliwanag ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Para sa kaniya, ang pagpipinta ay maihahalintulad din sa pagbabasa ng aklat, na kaya kang dalhin sa ibang mundo na ikaw lamang ang maaaring pumasok.

“It’s like reading a book, you are taken to another world, a world where you are the only one allowed to enter. It’s an escape,” makahulugang pahayag ni Bea.

Dahil hindi nagagamit ang talento sa pag-arte, naisip ni Bea na maghanap ng isang bagong pagkakaabalahan na sasalamin din sa kaniyang pagiging malikhain.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

“Since I haven’t been acting for quite some time now because of the pandemic, I thought, I should find an outlet for my creativity. It’s nice. It makes my heart happy,” paliwanag ng aktres.

Ang bagong libangang ito ay nakapagdulot ng kapayapaan at kaligayahan sa kaniyang puso.

Source :

Instagram