Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program aprubado na ni Pangulong Duterte




Imahe mula sa PCOO
  • Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Dutere ang executive order na naglalayong maipatupad ang Balik Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program
  • Una nang iminungkahi ni Senator Bong Go ang programa sa Pangulo bilang isa sa mga paraan para ma-decongest ang Metro Manila at mapaunlad ang sistemang pangkabuhayan sa mga probinsiya
  • Ang Balik Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Council ay pangungunahan ng Executive Secretary, kasama ang Socio-Economic Planning Secretary bilang vice-chairperson

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na naglalayong mapaluwag ang Metro Manila at maisulong ang mas magandang sistemang-pang-ekonomiya at pangkabuhayan sa mga probinsiya.

Imahe mula sa Facebook video ng PTV4

“The State shall ensure balanced regional development and equitable distribution of wealth, resources and opportunities through policies and programs that boost countryside development and inclusive growth, provide adequate social services, and promote full employment, industrialization and an improved quality of life in rural areas,” nakasaad mismo sa Executive Order No. 114 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 6.

Nangyari ito dalawang linggo matapos imungkahi ni Senator Bong Go ang programa sa Pangulo bilang isa sa mga solusyon sa decongestion problems sa Metro Manila sa gitna ng paglaban sa COVID-19.

Dahil na rin sa EO 114, mabubuo ang Balik Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Council na pangungunahan ng Executive Secretary, katuwang ang Secretary of the National Economic and Development Authority bilang vice-chairperson.

Sila ang nakatokang bumuo ng mga panuntunan para sa pagsasaayos ng implementasyon ng naturang programa.
“Sa immediate term po, magbibigay po ng financial and non-cash assistance ang DSWD para dun sa gusto ng umuwi,” paliwanag naman ni Secretary Roque sa isang virtual media briefing noong May 7.

Imahe mula sa Facebook video ng PTV4

Dagdag niya, “At ang napag-alaman ko po, na dalawang probinsya na ang tatanggap ng mga babalik probinsya, ang probinsya ng Leyte at probinsya ng Camarines Sur.”

Base na rin sa framework na inilabas sa ilalim ng BPP, mabibigyang-pansin ang local industries, food security at agricultural productivity, social welfare, health and employment, at infrastructure development sa mga probinsiya.