Baguio City, hindi muna magpapapasok ng mga turista pagkatapos ng ECQ




Imahe mula kay JMD
  • Hindi muna tatanggap ng mga turista ang lungsod ng Baguio ilang buwan pagkatapos ma-lift ng enhanced community quarantine sa lugar
  • Sa panayam ng DZMM kay Baguio CIty Mayor Benjamin Magalong, sinabi ng alkalde na magkakaroon ng transition plan ang lungsod kaya naman hindi muna nila papayagang makapasok ang mga turista, maging ang mga residenteng pabalik sa lugar
  • Aminado ang opisyal na malaki ang naging epekto ng pandemic sa kita nila mula sa turismo ngunit kakayanin naman umano nilang makaraos sa mga susunod na buwan

Mananatiling sarado muna ang Baguio City sa mga turista ilang buwan pagkatapos matanggal ang enhanced community quarantine sa lungsod, ayon mismo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Imahe mula kay JMD

Sa panayam ng DZMM kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sinabi ng alkalde na magkakaroon ng transition plan ang lungsod kaya naman hindi muna maaaring basta-bastang makapasok ang mga turista, maging ang mga residenteng pabalik sa lugar.

“Hindi pa ho namin papayagan. Meron po kaming transition plan, mayroon kami exit plan para sa ECQ pero hindi po namin papayagan na basta-basta na lang pong aakyat yung mga turista po rito,” ani Mayor Magalong.

“Pati po sa returning residents ay gagawan pa ho namin, ima-manage pa ho nila yung pagdating nila dito kasi di naman namin i-open up agad,” dagdag niya.

Iginiit ng alkalde na kasama ito sa ginagawa nilang pag-iingat para hindi na dumami pa ang kaso ng C0VID-19 sa Baguio at para maayos din muna umano nila ang mga quarantine facility sa lungsod.

“Dream now, travel later na lang po muna sila,” pahayag ng alkalde para sa mga nagpa-plano nang mag-travel doon pagkatapos ng quarantine.

Aminado ang opisyal na malaki ang naging epekto ng pandemic sa kita nila mula sa turismo ngunit kakayanin naman umano nilang makaraos sa mga susunod na buwan

Imahe mula kay JMD

“Malaki po ang impact kasi ang Baguio naman alam niyo siguro tourism-based industry po rito. Kung ikukumpara niyo po last year, February to May malaki talaga ang aming tourism gross receipt–P1.4 trillion last year pero gayon ho talagang napakaliit,” aniya.

“Kakayanin pa naman natin, nakikita pa naman natin na may projects pa tayong hindi pa na-obligate. May standby fund na P150 million. We have enough to cover us for the next 4 months,” ayon pa sa alkalde.

Source :

Youtube, ABS-CBN