Ayaw ng gulay pero trip ang pansit: Isa ka rin ba sa naghihiwalay ng gulay kapag kumakain ng pansit?




Larawan mula sa FB page na Chill’n Vibes
  • Trending sa Facebook ang larawan ng isang plato ng pansit na nakahiwalay ang gulay
  • Ganito raw kasi kumain ng pansit ang mga Pinoy na hindi kumakain ng gulay
  • Maraming netizens naman ang naka-relate dito at tina-tag din ang mga kakilala nilang ganito kumain ng pansit

Sabi nila, pampahaba raw ng buhay ang pagkaing pansit. Dahil sa sangkap nitong gulay na may taglay na iba’t ibang bitamina, protina na mula naman sa sahog na karne, at sa carbohydrates na dulot ng mismong noodles, ay masasabing complete meal na ito.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit patok ang pansit sa mga handaan. Maliban kasi sa masarap na, masustansiya na at mabigat sa tiyan. Kaya naman iba’t iba ang putahe ng mga Pilipino sa pagluluto ng pansit at may iba’t ibang sangkap pero hindi mawawala ang gulay.

Larawan mula sa FB page na Chill’n Vibes

Pero ang realidad, hindi naman lahat sa atin ay kumakain ng gulay. Ngunit dahil sobrang sarap ng pansit, dinidiskartehan na lang mga ilag sa gulay kung paano kakain nito nang walang nangangatang gulay. Ito ang laman ng post ng page na Chill’n Vibes.

Makikita ang larawan ng isang plato kung saan nakahiwalay na ang gulay at ang noodles ng pansit. Hindi kasi mahilig sa gulay ang kumakain kaya naman naisantabi na ang masusustansyang gulay. Effort kung tutuusing ihiwalay ang gulay sa bawat hibla ng pansit dahil nakahalo itong maigi. Pero kung ayaw mo talaga ng lasa ng gulay, pagtitiyagaan mo para din makakain ka ng pansit.

Dhail dito, agad na nag-trending ang post ng nasabing Facebook page. Umabot lang naman sa higit 7,100 reactions, 8,600 comments, at 50,000 shares ang nakuha ng post. Mukhang maraming Pinoy ang pansit l0vers pero ayaw ng gulay.

Kita ito sa comment section ng post. Kanya-kanya silang pahayag na relate sila sa larawan dahil ayaw talaga nilang kumain ng gulay, kahit nakasahog na lang sa pansit. Tina-tag din ng ilan ang mga kakilala nilang ganito kumain ng pansit at kailangan pang ihiwalay ang gulay.

Larawan mula sa YouTube

“Relate ako rito. Hindi pala ako nag-iisa. Kahit nga yung bawang at sibuyas, hinahanap ko rin kapag susubo ako ng pansit. Hahaha,” pahayag ng isang netizen.

Ang ilan namang istriktong nanay, hindi raw pupwede ang ganito sa kanilang mga anak. Kailangan daw kumain ng gulay lalo na sa mga panahon ngayon na kailangang palakasin ang resistensya.