Ang cute! Silipin ang trending baby photos ni Marian Rivera na nagpangiti sa kanyang fans at followers




Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
  • Nagpangiti sa fans ni Marian Rivera ang in-upload na baby pictures niya
  • Kitang-kita ang ganda ng batang Marian na kahawig pa ng dalawang anak niya
  • Pati ilang celebrities ay napahanga sa cuteness ng batang Marian

Maituturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Maliban sa kanyang angking husay sa pag-arte, marami ang humahanga kay Marian dahil sa angking ganda niya.

At ang magandang si Marian ay hindi nabibigong gulatin ang kanyang mga fans at followers. Dahil ngayon naman, pinahanga niya ang lahat sa angking amo ng mukha kahit noong bata pa lamang at hindi pa pinapasok ang industriya ng pag-aartista.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram account ang ilan sa baby pictures niya. Kitang-kita sa baby na si Marian ang malaking pagkakahawig sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto. Pinahulaan pa nga niya kungwari sa fans kung si Zia ba o si Sixto ang nasa larawan kahit si Marian naman talaga ang mga iyon.

May isang larawan din kung saan makikita ang neneng-nene na si Marian. Kahit simple ang ayos sa kanya ay lutang na lutang pa rin ang kanyang kagandahan. Dahil dito, trending agad sa Instagram ang post ng primetime queen.

Habang isinusulat ang istoryang ito ay wala pang isang araw na naka-upload ang mga larawan ni Marian. Pero mayroon na itong halos 200,000 likes. Inilahad rin ni Marian na ang mga larawang ito ay restored photos ng isang kaibigan.

Napakomento rin ang ilang celebrities sa mga baby pictures ni Marian. Parehong cute na cute ang mga Kapamilya stars na sina Kuya Kim Atienza at Charlene Gonzales sa mga retrato ni Marian. Nagpaabot din ng paghanga ang ilan pang artista tulad nina Boobay, Liz Uy, at Mariel Rodriguez.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Sabi naman ng mga netizens, mas kamukha raw ni Marian ang anak nitong si Sixto noong sanggol pa. Katulad kasi ni Sixto, maikli rin ang buhok ng baby Marian kaya naman malaki ang pagkakahawig nila.

Pero opinyon ng iba, ang nene picture naman ni Marian ay sobrang hawig kay Zia lalo na ngayong lumalaki na rin ang unica hija nila ng mister at kapuwa Kapuso talent na si Dingdong Dantes.