Yeng Constantino, humingi ng tawad kasabay ng pag-aalay ng awitin para sa medical frontliners




Imahe mula kay @yeng | Instagram
  • Lakas-loob na humingi muli ng paumanhin ang singer na si Yeng Constantino sa lahat ng mga health workers lalo na sa mga tumatayong medical frontliners ngayon
  • Ibinahagi ni Yeng sa social media ang kantang pinamagatan niyang “Kumapit” na kaniya ring inawit upang magbigay ng lakas ng loob sa mga nahihirapan na sa situwasyon
  • Pinasalamatan din ng singer ang mga health workers na patuloy na ginagampanan ang kanilang piniling propesyon kahit pa may kaakibat itong banta ng C0VID-19

Humingi muli ng kapatawaran ang singer na si Yeng Constantino sa lahat ng mga medical health workers dahil sa isyu na kinasangkutan niya noon kabilang ang isang doktor.

Imahe mula kay @yeng | Instagram

Sa Instagram post ng aktres noong April 2, ibinahagi ang awitin na kaniyang isinulat upang makatulong magbigay ng lakas ng loob sa mga tumatayong medical frontliners ngayon.

Buong-puso nitong inawit ang kantang “Kumapit” sa video na kaniyang in-upload sa Instagram.

“Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng situwasyon natin ngayon at sa mga hospitals,” sabi nito.

“Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na ma-encourage ko po kayo e mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong magsend ng video message pero baka di naman po makatulong.”

Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po. Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso niyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin,” dagdag pa niya.

Ayon kay Yeng, nakagawa siya ng kanta matapos mapagnilayan ang kasalukuyang situwasyon. Nais niya ngayong palakasin ang loob ng maraming medical health workers na nawawalan na ng lakas at pag-asa.

Nagpasalamat din siya sa sakripisyo ng mga napapabilang sa medical field upang magamot ang mga pasyenteng tinamaan ng sakit.

 

View this post on Instagram

 

Para po sa ating mga Frontliners sa Medical Field. Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals. Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong magsend ng video message pero baka di naman po makatulong. Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po. Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin. Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo. Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. 🙏🏼 Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon. (Music borrowed from Hillsong Instrumental wala kase ako dala guitar)

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on Apr 1, 2020 at 11:03pm PDT

“Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo.” aniya.

“Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon,” sabi pa ni Yeng sa post.

Source :

Instagram