Rhea Santos nag-guest sa Unang Hirit; nagbigay ng update tungkol sa sitwasyon ng COVID-19 sa Canada




Larawan mula sa video ng GMA News
  • Nagbabalik sa Unang Hirit ang isang original co-host na si Rhea Santos
  • Nag-guest sa Unang Hirit si Rhea sa pamamagitan ng isang video call 
  • Kinuwento ni Rhea ang lagay sa Canada patungkol sa pandemic na C0VID-19

Noong nakaraang taon ay ginulat tayo ni Rhea Santos sa biglaang pag-alis niya ng bansa at pagre-resign bilang isang Kapuso prime reporter. Isa sa mga nalungk0t sa pangingibang-bansa niya ay ang mga kasamahan niya sa morning show na Unang Hirit.

Naging emosyonal  pa nga sila sa pamamaalam ni Rhea sa nasabing show, pero masaya sila para sa kaibigang magkakaroon ng bagong landas sa bansang Canada. At ilang buwan matapos umalis sa show, nagbabalik si Rhea bilang guest.

Larawan mula sa video ng GMA News

Sa latest episode ng Unang Hirit, kinapanayam ng hosts na sina Arnold Clavio, Connie Sison, at Lyn Ching-Pascual si Rhea live mula sa Canada sa pamamagitan ng voice message. Nag-umpisa ang panayam nila sa kumustahan at pagbibiro sa mga bagay na na-miss nila kay Rhea.

Matapos nito ay tinanong nila si Rhea tungkol sa sitwasyon sa Canada kaugnay sa pandemic. Ayon kay Rhea, hindi katulad sa Pilipinas, hindi pa naman daw naka-lockdown sa Canada at puwede pa rin naman daw lumabas.

Gayunman, mahigpit na bilin sa kanila ng pamahalaan na i-observe ang social o physical distancing. Ang mga pasok daw sa eskwelahan ay ginagawa na rin lang daw online; kabilang si Rhea na naka-enroll sa isang kurso sa online journalism.

Sinabi rin ni Rhea na hindi naman daw required sa kanilang mag-face mask kung lalabas, maliban na lamang kung haharap o kakausap sa mga most vulnerable sector kabilang ang mga matatanda. Masunurin naman daw ang mga tao sa Canada at sumusunod lagi sa physical distancing.

Larawan mula sa GMA News

Masaya ring ibinahagi ni Rhea na matatapos na siya sa unang bahagi ng kanyang kurso. Pero kahit daw na madalas siyang nasa bahay, ay hindi pa rin siya natututong magluto. Kaya naman abala na lang siya sa ibang gawain sa bahay huwag lang magluto.

Marami naman ang natuwa na mapanood muli si Rhea sa Unang Hirit. Maraming fans ang na-miss ang kanyang maamong mukha at boses na naging bahagi ng kanilang umaga sa loob ng 20 taon.

Panoorin ang guesting ni Rhea Santos sa Unang Hirit: