PhilHealth, nilinaw na sasagutin ang buong hospital bills ng mga miyembro na C0VID-19 positive




Imahe mula sa Philippine Health Insurance Corporation | Facebook
  • Nilinaw ng PhilHealth na babayaran nila ang kabuuang gastos sa pagpapagamot ng mga miyembro nitong tinamaan ng C0VID-19
  • Sa isang Facebook post, sinabi ng ahensiya na epektibo ang nasabing anunsiyo hanggang sa April 14
  • Pagkatapos ng itinakdang araw ay magkakaroon sila ng panibagong computation sa kung magkano na lamang ang sasagutin ng PhilHealth

Nagpahayag ng paglilinaw ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth tungkol sa kung magkano nga ba talaga ang kanilang sasagutin para sa pagpapagamot ng mga miyembro nitong tinamaan ng C0VID-19.

Imahe mula sa Philippine Health Insurance Corporation | Facebook

Sa isang Facebook post noong April 2, sinabi ng ahensiya na sila na ang magbabayad ng kabuuang gastos sa mga kaugnay nitong ospital at health care clinics kung saan nagpapagamot ang mga miyembro ng PhilHealth na apektado ng naturang sakit.

“Due to the growing number of concern over the financial costs of getting treatment for the Coronavirus Diseases 2019 (C0VID-19), please be informed that the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) will shoulder the full cost of treatment for all C0VID-19 cases until April 14. 2020,” sabi nito sa naturang post.

Pagkatapos umano ng itinakdang araw ay magkakaroon ang ahensiya ng panibagong computation sa kung magkano na lamang ang sasagutin ng PhilHealth.

“After the date, we shall continue to provide financial coverage to C0vid cases thru a recomputed case rate. ”

“The reason for this accommodation window is due to the novelty and the wide range of severity of the disease in the country for which no existing case rate or package based on accepted protocols has yet been established,” pagpapaliwanag nito.

Dagdag ng ahensiya, nakasaad rin sa RA 11469 o Bayanihan We Heal As One Act na sasagutin pa rin nila ang hospital expenses ng lahat ng health workers kahit matapos ang April 14 para sa anomang C0VID-19 related treatment.

Imahe mula sa Philippine Health Insurance Corporation | Facebook

“Futhermore, as stipulated under RA 11469 also known as the Bayanihan We Heal As One Act, all health workers will be covered beyond the April 14, 2020 cut-off date for all work and C0VID-19 related health services.”

“Due to the exigency of the times, this will include all other personnel necessary for the operation of a health facility,” sabi pa ng PhilHealth.