Pet dog ni Heart Evangelista na si “Panda”, ginaya ang amo sa pag-awra




Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
  • Natuwa ang mga netizens sa pet dog ni Heart Evangelista na si “Panda”
  • Ginaya kasi nito ang pag–awra ng kaniyang amo habang nagpapaaraw sa labas ng bahay
  • Si Panda ay isang aspin na inampon at inalagaan ni Heart noon pang 2015

Kilala ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pagiging mapagmahal pagdating sa mga hayop, lalo na sa “man’s best friend”. Patunay rito ang marami niyang pet dogs na ipinakikita niya sa mga social media account niya tulad ng Facebook at Instagram, o kaya naman ay isinasama niya sa kanyang mga lakad.

Isa sa mga kilalang pet dog ni Heart Evangelista ang aspin o “asong Pinoy” na si Panda, na talaga namang pinag–usapan noon dahil sa mga branded na damit at accessories na isinusuot sa kaniya ng amo. Kaya naman muli siyang kinatuwaan sa isang Instagram post ni Heart dahil sa tila “pag–awra” niya habang nagpapaaraw.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Makikita sa larawan na nagpapaaraw si Heart sa labas ng kaniyang bahay upang makasagap ng Vitamin D; bitaminang nakukuha mula sa sikat ng araw sa umaga. At s’yempre, hindi naman nagpahuli si Panda. Dahil “like mother, like daughter,” ginaya niya ang kaniyang amo at todo–awra din siya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Panda is love! Hahaha. Ang cute nilang mag–amo. Like mother like daughter nga sila hahaha. Ang galing ng photographer ah… nakuhanan pa yung pagpikit ni Panda,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nasa mood yata si Panda. This is so cute!”

Si Panda o pinangalanang  “Maria Panda Ongpauco Escudero” ay natagpuan ni Heart sa isang kalsada sa Batangas noong 2015; inampon, inalagaan, at pinalaking parang sariling anak. Hinihikayat ni Heart ang publiko na mag–ampon ng mga asong pinabayaan ng kanilang mga amo sa halip na bumili.

Panoorin ang vlog ni Heart hinggil kay “Maria Panda Ongpauco Escudero” o “Panda” noong Abril 2019 via YouTube channel: