Netizen patuloy na nagpapakain ng stray cats sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine




Imahe mula kay Robi Carrillo
  • Hinangaan sa social media ang pagmamahal ng isang netizen sa mga hayop partikular na sa mga pusang sa kalsada naninirahan
  • Sa video ni Robi Carrillo, makikita ang isa-isa niyang pagtawag sa mga pusa para mapakain
  • Kapansin-pansin din na tila kilala na siya ng mga hayop kaya naman agad na lumalapit ang mga ito sa netizen

Tanging pagmamahal sa mga hayop ang pinaiiral ng isang netizen kaya naman hindi ito natatakot na magpunta sa kalsada upang magpakain na mga pusang naninirahan dito.

Imahe mula sa Facebook video ni Robi Carillo

Hinangaan sa social media ang netizen na kinilalang si Robi Carrillo dahil sa ipinamalas nitong dedikasyon na magpakain ng mga pusa sa gitna ng banta ng cor0navirus.

Sa post nito sa Facebook noong April 4, mapapanood ang paghahanap ni Robi sa mga pusang lansangan upang mapakain ang mga ito at mabigyan ng tubig na maiinom.

“Hinding- hindi ako mapapagod at matatakot magpakain sa inyo araw-araw kasi alam kong inaabangan niyo ako,” ani Robi sa post. “Mahal [ko] kayo, mga Miming.”

Ibinahagi rin nito ang ilang video kung saan makikita ang isa-isa niyang pagtawag sa mga pusa para pakainin.

Kapansin-pansin naman ang agad na paglapit sa kaniya ng mga hayop na tila ba matagal na nilang kilala si Robi.

Hindi nag-atubili ang karamihan sa mga ito na lumapit upang agad na maibsan ang kumakalam na sikmura at mapawi ang uhaw na kanilang nararamdaman.

Marami naman ang humanga kay Robi at nagpahayag ng kanilang mga reaksiyon sa social media.

“So proud of what you do, meowdy! Ingat ka rin,” sabi ni RVB.

“Why so sweet meowdy? Pag-uwi ko [sa] Pinas if you would allow me, may I join you sa pa-cat feeding sa kanila? Ililibre ko sila ng ca food. Ikaw naman po ililibre ko rin po kapag napilit mo na ako ha,” pabirong sabi ng kaibigan ni Robi na si GM.

Posted by Robi Carrillo on Friday, April 3, 2020

“This is [why] we need to care for the strays. Loving them makes the Lord smile. God bless meowdy, Robi. Keep spreading the virus of goodness,” sabi ni QMM.

“Let us keep on adopting until there are no more strays on this earth. It takes a pure good heart to care for the strays,” dagdag pa niya matapos i-share ang orihinal na post.

Source :

Facebook