Nanay, nagluto ng “hugis–taong” hotdog para sa kaniyang anak




Imahe mula sa Facebook account ni Llori Llori/Public Domain Image
  • Kinaaliwan ng mga netizens ang hotdog na “hugis–tao”
  • Iniluto ito ng isang nanay para sa kaniyang anak na lalaki
  • Nasunog ang naturang hotdog kaya hindi ito kinain ng kaniyang anak

Sa patuloy na ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon, minsan ay nauubusan na rin ng maisip na lulutuin ang mga taong umaasa lamang sa mga stocks na frozen food gaya ng hotdog. Para sa mga nanay, mahirap pakainin ang kanilang mga chikiting lalo na’t madali silang magsawa.

Kaya naman, isang nanay na nagngangalang “Llori Llori” ang nag–eksperimento na lutuan ng hotdog ang kaniyang anak. Naglagay siya ng kaunting twist sa nilutong hotdog. Kinortehan niya ito na “hugis–tao”, subalit nasunog naman, kaya hindi na raw kinain ng kaniyang anak, ayon sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Llori Llori/Public Domain Image

Ayon sa kaniyang caption, “Nilutuan ko si Jacob para ganahan, kaso nang makita niya nawalan siya nang gana hahaha.”

Naghatid naman ito ng good vibes sa mga netizens at nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“Hahaha appreciate the art na lang, actually mas masarap nga sa hotdog ang medyo sunog, ewan, ako lang naman ito ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku, not healthy for the kids ang sunog na hotdog. Maraming carcinogens hehe, it may cause serious diseases. Pero I appreciate the initiative of the mom na maging creative sa paggawa ng food for her son. Mommy duties!”

“Nakakatuwa yung hitsura! Hahahaha. Akala mo kung ano na eh. Kakaaliw. A for the effort ni Mommy!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Llori Llori/Public Domain Image

Para sa mga momshies, may mga pagkain talagang nilalagyan ng mag disenyo gaya ng puso, bituin, at mga letra upang mahikayat ang mga batang kainin ito. Isa na riyan ang mga chicken nuggets. Maging ang iba pang mga gulay ay hinihiwa sa iba’t ibang hugis upang mahikayat silang kumain nito, na madalas ay inaayawan nila.