Mayor Donya Tesoro ng San Manuel, Tarlac, inirereto ng mga netizens kay Mayor Vico Sotto




Imahe mula sa Facebook account ni Marbearod Cabrera Silvestre
  • Ibinida ng mga taga–San Manuel, Tarlac ang kanilang magandang alkalde
  • Ito ay si Mayor Donya Tesoro na isa sa mga tinaguriang “millennial mayor”
  • Inirereto siya ng mga netizens kay Pasig City Mayor Vico Sotto na hanggang ngayon ay single pa

Dulot na rin ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao, marami sa mga mayor ang talagang pinag–usapan dahil sa pagiging hands on sa pagpapakita ng kanilang natatanging serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Mas kinatutuwaan at kinakikiligan ang mga mayor na bukod sa mahusay na, may angking kagwapuhan at kagandahan pa.

Kaya naman, hindi nagpahuli ang mga taga–San Manuel sa Tarlac dahil ibinida nila ang kanilang magaling at magandang mayor na si Mayor Donya Tesoro, na hindi raw pahuhuli kina Mayor Vico Sotto ng Pasig, Emeng Pascual ng Gapan, at Isko Moreno ng Maynila. Makikita ito sa Facebook post ng nagngangalang “Marbearod Silvestre.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marbearod Cabrera Silvestre

Ayon sa kaniyang caption, “Kung may Vico Sotto ang Pasig City, Isko Moreno ang lungsod ng Maynila, at Emeng Pasqual ang Gapan… Meron din kaming pambato dito sa San Manuel, Tarlac: Mayor Donya Tesoro!”

Kung titingnan nga ang mga larawang kalakip ng post, makikitang napakaganda nga ng mayor ng San Manuel sa Tarlac. Kinilig naman ang mga netizens na taga Tarlac at inireto pa ang mayora kay Mayor Vico Sotto na tinatawag ngayong “Vivico”. Mistulang may may “love team” na kaagad ang dalawa!

Sabi ng isa, “Mayor ‘yan? Akala ko beauty queen.. nice naman beauty with a heart. Parang bagay sila ni Mayor Vico? Sana magkrus ang mga landas nila hahaha.”

“Parang gusto ko nang lumipat sa San Manuel, Tarlac! Missing in action kasi yung mayor namin dito eh. At least diyan, maganda na, masipag pa ang mayor hehehe,” turan naman ng isa.

Saad naman ng isa, “I thought she is a beauty queen; napakagandang mayora naman! Lilipat na akong San Manuel hahaha joke. Pero mukhang bagay sila ni Mayor Vico! Compatible silang dalawa. Hahaha.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marbearod Cabrera Silvestre

Noong 2019, nagwagi si Mayor Tesoro sa pagka–alkalde ng bayan, at pinalitan ang kaniyang amang si Benjamin “Bening” Tesoro na kaniya namang vice mayor.

Batay sa datos ng Pew Research Center noong 2019, 20 sa 289 mayors ng National Capital Region, Region III at Region IV-A ay mga “millennial mayors” na isinilang sa pagitan ng mga taong 1981 at 1996 at dalawa na nga rito sina Pasig City Mayor Vico Sotto at San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro.