Hugot sa plain pancit canton na hindi binibili sa supermarket: “Ikaw ang nariyan pero hindi ikaw ang gusto”




Imahe mula sa Facebook account ni Sean Gabriel Flores/Public Domain Image
  • Napahugot sa isang larawan ang isang netizen
  • Makikita sa larawan ang mga plain pancit canton na marami pang stocks; nangangahulugang hindi ito mabenta
  • Nagbigay rin ng kani–kanilang mga hugot ang mga netizens hinggil dito

Bago pa man maipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao, nagkumahog na ang mga mamimili sa pamimili ng mga pangunahing produkto na maaaring maging suplay sa bahay upang maiwasan na ang paglabas–labas. Kabilang sa mga mabilis na lutuin ay ang mga noodles at pancit canton. Sa pancit canton, mas mabilis maubos ang “chilimansi”.

Kaya naman, kinaaliwan ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Sean Gabriel Flores”matapos niyang “humugot” sa isang larawan na nagpapakita ng isang estante sa supermarket. Matatagpuan sa naturang mga estante ang mga plain pancit canton ng isang sikat na brand na napakarami pa ring stock.

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Gabriel Flores

Nangangahulugan kasi itong hindi ito mabenta, dahil ang mas hinahanap–hanap ng mga konsumer ay ang iba pang may flavor.  Hugot tuloy niya, “Ikaw ang nariyan pero hindi ikaw ang gusto”. Umani tuloy ito ng paghugot din mula sa iba pang mga netizens.

Sabi ng isa, “Hindi pinili kasi plain. Why does it speak to me in deeper level?”

“Ouch. Parang sa magdyowa lang iyan. Nagsawa sa original, naghanap ng ibang flavor. Yung may spice. Yung may arrive daw at hindi plain. Hugot!” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa. “Ganiyan naman talaga eh. Nagsimula ang lahat sa plain. Tapos, susulpot ang ibang mga flavor na papalit doon sa nauna. Iyon na ang hahanap–hanapin. Malalaos kaagad si plain na nagsimula ang lahat. Lesson? Anytime, puwede tayong mapalitan o mahigitan ng ibang tao kaya huwag magmataas. Dapat humble lang.”

“Ganiyan talaga eh. Mas hinahanap–hanap ang mga tao o bagay na may extrang katangian. Kung plain ka lang o napakasimple, aminin natin, minsan hindi napapansin. Lesson learned? You have to reinvent yourself din para hindi magsawa sa iyo ang mga tao. We can be more! We can be better!” hugot naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Gabriel Flores/Public Domain Image

Ikaw, anong hugot mo rito?

Source :

Facebook