Hindi na nag-aksaya ng oras sa pagrerepack: Mayor Richard Gomez nakapamahagi ng relief goods sa loob lamang ng 4 na araw




Mga imahe mula sa Facebook page ni Mayor Richard "Goma" Gomez
  • Halos lahat tayo ay umaasa ngayon sa mga relief goods mula sa mga lokal na pamahalaan
  • May ilan na nagtatagal ang pamamahagi dahil sa pagrerepack
  • Ngunit iba ang diskarte ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez kung saan natapos nila sa loob lamang ng apat na araw ang pamamahagi ng relief goods

Marami sa mga local government units (LGUs) ang patuloy sa pagrerepack ng mga bigas, delata, at iba pang relief goods para sa kani-kanilang mga nasasakupan dulot ng community quarantine.

Kalimitan, kada dalawang linggo kung mamahagi ang mga opisyal ng LGUs sa isang barangay nang sa gayon ay may panahon din silang mamahagi sa iba pang nasasakupan.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Richard “Goma” Gomez

Iba naman ang diskarte ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez sa kung paano niya hinati at ipinamahagi ang mga relief goods sa kaniyang mga nasasakupan.

Katuwang ang iba pang opisyales ng lungsod, naibahagi sa mga mamamayan ng Ormoc City ang kanilang mga relief goods sa loob lamang ng apat na araw. Hindi na umano sila nag-aksaya ng oras at lakas sa pagrerepack.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen kung paano diniskartehan ni Gomez ang pamamahagi.

“If I opted to repack, I won’t be able to distribute everything on time. Matatapos na lang ang ECQ, di pa maaabutan lahat. Giving them one sack of rice at once will save me a lot of time and effort,” pahayag ni Gomez.

Hindi na rin siya gumawa ng listahan para sa mga mabibigyan.

“No need for lists. Each house got their supply. I have 67,000 constituents. You have an emergency here, and these people need immediate assistance. Why waste time in making a list,” paliwanag pa nito.

Ang pondong ginamit ay nagmula umano sa calamity fund, general fund, at 30% ng development fund.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Richard “Goma” Gomez

“If the ECQ is extended, we will distribute again another sack. As long as they have rice, that’t a lot off their shoulders. They will find ways to produce viand,” dagdag pa ng mayor.

As of April 24, 2020 ay wala pang confirmed COVID-19 case sa Ormoc City ngunit may mga naitala na ring pinaghihinalang may sakit na naka-isolate na. Mayroon din silang hinihintay na medical result.