DepEd tuluyan nang ipinagpaliban ang graduation at moving up rites sa mga paaralan




Imahe mula sa Facebook page ng DepEd/Public Domain Image
  • “Postponed indefinitely” ang atas ng DepEd sa pagdaraos ng graduation at moving up rites sa buong bansa
  • Ito ay bilang pagsunod sa precautionary measures kaugnay ng pagpapatupad at pagpapahaba ng enhanced community quarantine
  • Nasa direktiba na raw ng paaralan kung itutuloy ito kung mali–lift na ang ECQ at tuluyan nang masusugpo ang COVID–19

Inihayag ng Department of Education o DepEd na tuluyan na nilang ipinagpapaliban ang pagdaraos ng graduation at moving up rites, hindi lamang sa Luzon kundi sa buong bansa, bilang pag–iingat sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng DepEd ang kanilang patalastas para sa mga guro, mga magulang, at mga mag–aaral, na bahagi pa rin ng pag–iingat at pagsunod sa precautionary measures kaugnay ng pagpapatupad at pagpapahaba ng enhanced community quarantine hanggang Abril 30, 2020.

Imahe mula sa Facebook page ng DepEd/Public Domain Image

“Graduation rites for SY 2019-2020 are POSTPONED INDEFINITELY. With the extension of enhanced community quarantine (ECQ) in Luzon and in different parts of the country, and the continued restriction of DOH on mass gatherings, the graduation and moving up rites in basic education throughout the country is postponed indefinitely,” ayon sa post.

Karagdagan, “As per DO 02, s. 2020 and DM 42, s. 2020, schools, in consultation with the Parents-Teachers Association (PTA) leadership, can decide to reschedule or forego the holding of the rites once the ECQ or localized community quarantine is lifted. If holding the rites will push through, DOH guidelines on mass gatherings must be observed.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumasang–ayon at may ilan din namang nais pa ring maiparanas ang rites sa mga anak nila, kahit ma–delay nang kaunting panahon dahil wala pang katiyakan ang lahat.

“Sa akin as a mother, willing to wait kahit gaano katagal pa iyan basta huwag lang i–cancel, hindi bale nang delayed basta meron at sure na pandemic–free na bago mag–graduation rites,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Kawawa mga bata batch 2019 to 2020. Ako, dalawang mga anak ang ga–graduate. Isang kinder at isang senior high school,  pero handa akong magtiis basta may graduation lang kapag okay na ang lahat.”

“I will surely follow this directives. Mas gugustuhin kong makatapos ang mga anak ko nang maayos at walang graduation rites, kaysa naman sa may graduation rites nga, ma–iinfect naman. Wala pang kasiguraduhan ang lahat,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Hangad natin na matapos na ang krisis na ito sa pamamagitan ng pagsunod ng lahat sa mga nalalabing araw ng ECQ.