Black Ranger na naispatang naggo-grocery sa gitna ng ECQ, naghatid ng good vibes sa socmed




Imahe mula kay Paolo Belleza | Facebook
  • Patok sa social media ang larawan ni Black Ranger habang namimili ng mga pangangailangan nito sa grocery
  • Sa post ni Paolo Belleza, nagsilbing personal protective equipment o PPE niya ang costume sa kaniyang paggo-grocery
  • Marami naman ang naaliw sa post at nag-iwan ng kanilang mga positibong reaksyon sa social media

Kinaaliwan ng netizens ang viral na larawan ni Black Ranger habang namimili ng kaniyang mga pangangailangan sa grocery.

Imahe mula kay Paolo Belleza | Facebook

Sa post ni Paolo Belleza sa Facebook noong April 3, makikita ang pag-ala Black Ranger nito mula sa kilalang palabas at superhero group na Power Rangers.

Nagsilbing personal protective equipment o PPE ni Paolo ang costume sa kaniyang pamimili sa grocery store.

“Define PPE,” saad nito sa caption ng kaniyang post. “I’m pretty sure this ranger cheered up some people today,” dagdag niya.

Maliban sa naging proteksiyon niya ang costume ni Black Ranger, ninais niya ring magpasaya gamit ito sa ilang mga tao, sa personal man at maging sa social media.

Agad naman itong nag-viral matapos maghatid ng good vibes sa maraming netizens.

Napuno rin ng mga positibong reaksiyon ang original post matapos makita ang larawan ni Paolo sa Facebook habang nakasuot ng Black Ranger costume.

“Daming [kong] tawa here. Thanks for bringing laughter to me. We really need good vibes like this. Kudos!” sabi ni JSQ.

“Ginawa ko din ito with Tarzan costume but they did not let me out the village and sent me back home,” natatawang pagbabahagi ni AJP.

Imahe mula kay Paolo Belleza | Facebook

“Ganiyan din sana ako kaso Darna costume ang meron ako. Char!” sabi ni CCPO.

“ Ang galing! Kuya Mack baka makita mo yung virus pakisabi na balik na sa kanilang mundo,” biro ni SC.

“ Idol! Saan puwede makabili niyan? Haha gusto ko makasuot niyan para dream come true na. Hahahaha,” natatawang sabi naman ni JB.

Source :

Facebook