Biyaya ng kalikasan: Bisa at benepisyo Virgin coconut oil para sa COVID-19 patients, pag-aaralan ng DOST




Larawan mula sa PNA
  • Gagawa ng pag-aaral ang DOST at UP-PGH sa posibleng benepisyo ng virgin coconut oil sa mga may C0VID-19
  • Titignan ang bisa ng VCO bilang supplement sa mga gam0t na ibinibigay sa mga C0VID patients kasama ng iba pang gam0t
  • Ihahalo rin sa pagkain ang VCO at titignan ang magandang epekto sa mga PUI na isasagawa naman ng PCA

Patuloy ang pagtuklas ng mga siyentipiko at mga eksperto sa maaaring mabisang lunas sa pandemic na C0VID-19. Sa ngayon, mayroon nang iba’t ibang bakuna na sinusubukan ang pagiging epektibo habang may mga gam0t naman sa ibang karamdaman ang may potensyal daw na masugpo ang nasabing virus.

Isa sa mga tinitignang benepisyo ay ang yaman mula sa kalikasan na virgin coconut oil (VCO). Dalawang uri ng pag-aaral ang gagawin tungkol sa produktong ito na matagal na sa merkado at titignan ang epekto sa mga pasyenteng positibo sa C0VID-19.

Larawan mula sa Freepik

Sa pangunguna ni Dr. Marissa Alejandria, magtutulungan ang Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP – PGH) C0VID-19 Research group upang isagawa ang pag-aral na pinamagatang “Virgin Coconut Oil and Omega-3a Adjunctive Therapy for H0spitalized Patients with C0VID-19.”

Bibigyan ng VCO ang mga pasyente ng UP-PGH na mayroong moderate to severe na kaso ng C0VID-19, kasama sa gam0t na ibinibigay sa kanila upang mapagaling ang kanilang kondisyon. Magsisilbing supplement ng araw-araw na gamutan ang VCO sa loob ng isang buwan at titignan ang epekto at benepisyo nito sa mga pasyente.

Ang isa pang pag-aaral ay gagawin naman ng Food and Nutrition Research Institute kung saan ilalahok ang VCO sa mga pagkain ng persons under investigation (PUI) sa National Capital Region (NCR) at sa Region IV-A o Calabarzon. Katuwang sa pag-aaral ang Philippine Coconut Authority (PCA) na tatagal daw sa loob ng isang buwan din.

Ayon sa pahayag ni DOST secretary Fortunato dela Peña sa Philippine News Agency (PNA), ang ahensiya raw nila ang magpopondo sa dalawang pag-aaral na gagawin. Sila rin ang mangunguna rito. Hindi pa rin tiyak kung kailan mag-uumpisa ang pag-aaral at magkano ang budget na nakalaan para sa mga pag-aaral.

Larawan mula sa Freepik

Sa isang hiwalay na pahayag, una nang inanunsiyo ni dela Peña na ang Ateneo de Manila University (ADMU) kasama ang Duke-National University of Singapore ay gumagawa na rin ng bukod na pag-aaral tungkol sa bisa ng VCO.

Matatandaang sumikat ang VCO sa larangan ng medisina at pagkain dahil sa maraming napatunayang benepisyo nito sa ating kalusugan.

Source :

PNA, GMA News