Baby Ziggy nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagdiwang ng unang kaarawan; selebrasyon naging simple dahil sa ECQ




Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera-Dantes
  • Isang taong gulang na ang ikalawang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Jose Sixto o Baby Ziggy
  • Ngunit dahil may ECQ na umiiral sa Luzon, wala munang party para kay Baby Ziggy
  • Nagbigay naman ng mensahe ang primetime royal couple ng GMA Network para sa anak na nagdiriwang ng kaarawan

Trending ngayon sa social media ang larawan ng ikalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Jose Sixto o Baby Ziggy. Kaarawan kasi ni Ziggy ngunit dahil umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, wala munang party ang anak ng primetime couple ng Kapuso Network.

Sa isang post ni Marian sa kanyang Instagram account, sinabi nito na ang regalo ni Dingdong sa kanyang anak ay isang haircut. Bagay na bagay kauy Ziggy ang kanyang gupit kaya naman maging ilang celebrities ay napakomento sa larawan niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera-Dantes

Isang madamdaming mensahe naman ang ibinigay ni Dingdong sa isang hiwalay na Instagram post. Gamit ang katulad na larawan sa post ni Marian, sinabi ni Dingdong na bagama’t nakagawian na nilang gawing simple lang ang unang birthday celebration ng mga anak, tulad ng kay Zia, hindi raw nila inakalang mas simple pa ang mangayayaring selebrasyon ngayon.

Wala man daw mga kaanak at kaibigang imbitado upang magbigay ng pagbati at regalo para kay Ziggy, lagi raw tatandaan ng anak na isa siya sa pinakamagandang regalo na naibigay sa kanilang mag-asawa. Magdiriwang na lamang daw sila kapag tapos na ang pandemic, kahit hindi alam ni Dingdong kung kailan matatapos ang lahat.

“But please know that there are many people like your cousins, grandparents, godparents and relatives who wish to see you and be with you today, probably to give a gift, a cake, or a simple tight warm hug. But not now…maybe when this is all over. When? I really don’t know, son,” saad ni Dingdong sa kanyang post.

Inilahad rin ni Dingdong na kahit mayroong mga bagay na hindi inaasahang nangyayari ngayon, tulad ng C0VID-19, na nagbibigay sa kanya ng pangamba, ang mga anak daw niya ang nagsisilbing patunay na dapat ay lakasan niya ang loob upang araw-araw na mapagtagumpayan ang hamon ng buhay.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera-Dantes

“This picture will always be my reminder that in times of fear and uncertainty, I had found hope—through you. Happy first birthday, Sixto,” dagdag pa ni Dingdong.

Nagbigay din ng pagbati ang mga kasamahan nina Dingdong at Marian sa industriya tulad nina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelika dela Cruz, Rocco Nacino, Ryan Agoncillo, John Arcilla, at Janine Gutierrez.