Tuloy ang chika: Iya Villania-Arellano, nag-work from home din para sa kanyang duty sa GMA newscast na 24 Oras




Larawan mula sa YouTube video ng GMA News
  • Naka-work from home na rin ang Chika Minute reporter na si Iya Villania-Arellano
  • Sa bahay nila siya naghahatid ng latest chika para sa mga Kapuso viewers
  • Tuloy din ang work out ng soon-to-be-mommy of three na si Iya sa kabila ng ECQ

Maging ang mga celebrity ay apektado rin ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong bansa. Maraming shows na nga sa telebisyon ang replay ngayon dahil hindi nakakapag-taping ang production team bilang pag-iingat na rin.

Pero ang mga personalidad ng news and public affairs, kabilang ang sa GMA Network, ay tuloy pa rin ang trabaho upang magbigay ng update na kailangan nating malaman tungkol sa C0VID-19. Isa sa mga patuloy pa rin ang pagpapalabas ng live episode ay ang primetime newscast na 24 Oras.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA News

Nasa GMA Network studios ang mga anchor nito maliban sa Chika Minute reporter na si Iya Villania-Arellano. Pero hindi puwedeng hindi makapagbabalita si Iya dahil pinayagan siya ng GMA News na mag-work from home.

Nagdadalantao kasi si Iya kaya naman minarapat niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa kanilang tahanan. Ginagawa ni Iya ang reporting ng mga showbiz happening, na karaniwan ay related pa rin sa mahalagang isyu ngayon, sa pamamagitan ng video call.

Naka-set up lamang ang camera sa isang bahagi ng kanyang bahay at doon niya ginagawa ang reporting para sa 24 Oras na ginagawa na niya sa loob ng ilang araw. Makulit pa rin si Iya at ang kanyang asawa na minsang biniro si Iya habang nag-WFH na magluto na ng kanilang hapunan.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA News

Maliban sa pag-WFH, hindi rin kinalilimutan ni Iya ang kanyang kalusugan. Tuloy ang workout ni Iya sa kanilang bahay. Madalas na mag-upload si Iya ng videos sa kanyang Instagram account na ipinakikita ang kanyang pag-eehersisyo sa kabila ng enhanced community quarantine na ipinatutupad.

Maliban sa pagiging showbiz anchor ng 24 Oras, bahagi rin si Iya ng morning talk show na Mars Pa More kasama si Camille Prats na napapanood rin sa GMA Network. Kasalukuyan ding naka-break ang production ng talk show at ilang replay episodes rin ang kanilang ipinalalabas.

Panoorin ang isa sa mga report ni Iya mula sa kanilang bahay para sa 24 Oras:

Source :

YouTube, GMA News