QC gov’t, iginiit na hindi sila ang nagpauwi sa C0VID-19 positive na mga pasyente




Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Joy Belmonte
  • Nilinaw ng pamahalaan ng Quezon City na hindi sila ang nagpauwi sa tatlong residenteng nagpositibo sa C0VID19
  • Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rolando Cruz, head ng Quezon City’s Epidemiology and Surveillance Unit, na nanggaling ang desisyon mula sa mga ospital kung saan kumuha ng test ang mga pasyente
  • Naaayon umano ito sa protocol ng DOH kung saan maaaring pauwiin ang ipaa-isolate na lamang sa kanilang mga tahanan ang mga PUI at mga kompirmadong may C0VID-19 kung mild symptoms lang naman ang kanilang nararanasan

Iginiit ng pamahalaan ng Quezon City na hindi sa kanila nanggaling ang desisyong pauwiin ang mga residente ng lungsod na nagpositibo sa virus.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Joy Belmonte

Sa isang panayam, nilinaw ni Dr. Rolando Cruz, head ng Quezon City’s Epidemiology and Surveillance Unit, na nanggaling ang desisyon mula sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila kung saan nagpasuri ang mga pasyente.

Sinabi rin ng eksperto na naaayon ang desisyon ng mga ito sa protocol na ipinatutupad ng Department of Health (DOH), partikular na ang Memorandum No. 2020-0108 na inilabas noong March 11, 2020.

Base sa memo, maaaring pauwiin at ipa-isolate na lamang sa kanilang mga tahanan ang mga persons under investigation (PUI) at maging ang mga pasyeteng kompirmadong may C0VID-19 kung mild symptoms lang naman ang kanilang nararanasan.

Kinumpirma naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kasalukuyang nasa kani-kanilang tahanan ang mga may kumpirmadong kas0, sa panayam niya sa ANC.

Sinabi ng alkalde na nalaman na lamang nila na pinauwi ang mga ito matapos makuha ang listahan ng mga nagpositibo sa virus mula sa DOH.

“Ang nag-test sa kanila ang nagpauwi sa kanila at nadatnan na lang namin sila sa bahay after the list was given to us by the DOH,” ani Belmonte.

Nag-iisip na rin umano sila ng paraan para pansamantalang maihiwalay na ang mga ito sa kanilang komunidad.

“At the moment, I’m really thinking of a way how that person (in the congested area) can be isolated. We do have a hotel facility-turned-hospital, that we started operating last Thursday for persons under investigation,” sabi nito.

“And I’m now thinking of probably reserving at least one room of that hotel-turned-hospital for positives that might not be exhibiting very severe symptoms, just to take them away from the community. That’s an option we’re considering at the moment,” dagdag ng alkalde.

Tinukoy rin ni Belmonte ang kakulangan ng health facilities kaya naman nasa protocol ng DOH na pauwiin muna ang mga pasyenteng naghihintay ng  resulta kaugnay sa C0VID-19.

Source :

ABS-CBN, ABS-CBN