“Matinong usapan!” Botante ipinahayag ang magiging batayan ng ibobotong politiko sa halalan




Public Domain Image
  • May “matinong usapan” ang isang Twitter user sa kaniyang mga kapwa netizens
  • Huwag umanong iboto sa susunod na halalan ang mga “pabuduts–buduts” lang
  • Kailangan din umanong may solusyon ito kapag nagkaroon ulit ng pandemya

Anumang pagsubok ay tiyak na malalampasan ng isang bayan kung may suporta at pagkakaisa mula sa pamahalaan at mamamayan. Lahat ay may magagawa, mula sa maliit man o malaking paraan. Subalit sa mga krisis na katulad ng COVID–19, ang mga pinuno o opisyal na inihalal ng taumbayan ang itinuturing na mga sandigan.

Kaya naman, may pangako sa sarili ang Twitter user na si “Marguerite Alcazaren de Leon” sa magiging batayan niya sa pagpili at pagpisil ng karapat–dapat na politiko o pinunong–bayan sa mga susunod na halalan. Ayon sa kaniyang Twitter post, hindi niya iboboto ang mga politikong “pabuduts–buduts” lamang at ang unang tanong na kailangang sagutin ay kung matino ba ito sa paghahanap ng solusyon kapag nagkaroon ulit ng pandemya gaya ng COVID–19.

Imahe mula sa Twitter account ni Marguerite de Leon

Ayon sa kaniyang post, “Tama na yang resiliency bs… ha. Pagkatapos nitong pandemic, hindi na tayo magtitiis sa mga… na pulitiko ha. Kapag may nagbubuduts–buduts sa kanila, sign ‘yan na wala silang kuwenta ha. Sa susunod na eleksyon, isipin mo na lang, ‘Matino kaya ‘to pag nagka–pandemic uli? ‘Yan.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. May mga pumanig sa kaniya at may ilan din namang sumalungat at nagsabing sa panahon ngayon, huwag munang mamulitika. Kapakanan ng lahat ang nararapat unahin at isantabi muna ang mga politikal na pananaw.

“In this uncertain times, bashing and criticism won’t help… let’s pray instead that it will be over soon. God bless!,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “True. It’s sad that we over-romanticize resilience to the point that it becomes defeated fatalism and surrender for some. Hopefully this episode in our history is the wake-up call we all badly needed.”

“Ngayon lang ‘yan. Pagdating ng election kung sino na naman yung hype, yun na naman iboboto nila,” opinyon ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Gusto kong isipin na pagkatapos nito, matututo na tayo, na sana isipin yung kinabukasan ng mga anak natin, ng mga matatanda sa lipunan at higit sa lahat, yung mga kababayang isang kahig isang tuka.”

Public Domain Image

Ayon nga sa isang kasabihan, “Vox populi, vox dei” o kung ano ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Sana nga ay matuto na ang mamamayan sa paghahalal ng mga karapat–dapat na pinuno na mamumuno sa ating Inang Bayan.

Source :

Twitter, Facebook