Lookalike ni Mayor Joy Belmonte, nag-TikTok ng kontrobersyal na pahayag ng QC Mayor tungkol sa mga pinauwing pasyente




Larawan mula sa Facebook video ni Benlie Antonio at GMA News
  • Trending sa social media ang lookalike ni Quezon City Mayor Joy Belmonte
  • Nag-TikTok ito at nag-dub ng panayam ni Mayor Belmonte tungkol sa mga pinauwing pasyente
  • Agad namang umani ng libo-libong reactions, comments, at shares ang nasabing parody

Kontrobersyal ngayon ang naging pasya at pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa primetime newscast ng GMA Network na 24 Oras. Ayon kasi sa punong lungsod, pinauwi nila ang apat na C0VID-19 patients dahil daw sa kakulangan ng pasilidad sa mga ospital.

Agad na kumalat sa social media ang pahayag na ito ng mayor ng QC na umani ng iba’t ibang reaksyon. Maraming netizens ang nagpahayag ng pagtutol sa aksyong ito ng lungsod dahil lalo raw malalagay sa alanganin ang mga pasyente.

Larawan mula sa Facebook video ni Benlie Antonio

Pero kung ang ilan ay idinaan sa seryosong opinyon ang pagtuligsa kay Mayor Belmonte, may isang netizen naman na idinaan sa pagti-TikTok ang kanyang hinaing. Trending ngayon sa social media ang lookalike ni Mayor Belmonte na dinub ang kanyang kontrobersyal na pahayag.

In-upload ng netizen na si Gelo Pegares ang TikTok video ng isang babaeng kamukhang-kamukha ng alkalde ng QC. Ayon sa post ni Gelo, ang babaeng lookalike ni Mayor ay si Benlie Antonio. Nag-record siya ng TikTok video na dina-dub ang pahayag ni Mayor Belmonte sa 24 Oras.

Hindi maipagkakaila na sobra ang pagkakahawig ng dalawa. Kung hindi nga lalagyan ng caption na hindi si Mayor Belmonte ang nag-record ng TikTok video, mapagkakamalan na siya talaga ang punong lungsod ng Quezon City.

Nakadagdag pa sa napakahusay na panggagaya ang pagkakahawig ng suot nina Benlie at Mayor Belmonte sa actual video ng pahayag. May suot ding face mask si Benlie na suot din ni Mayor Belmonte sa kanyang panayam.

Larawan mula sa video ng GMA News

Habang isinusulat ang istoryang ito, nasa anim na oras pa lamang naka-upload ang video pero umani na ito ng napakaraming reactions at views. Mayroon na itong 34,000 reactions, 4,200 comments, at 22,000 shares, kasama pa ang 330,000 views.

Patuloy namang dumaragsa ang mga netizen na naaaliw sa nasabing video. Kanya-kanyang tag ang mga netizen sa kakilala nilang taga-Quezon City upang ipakilala ang mistulang ‘double’ ng kanilang mayor. Sobrang na-good vibes daw sila na kahawig na kahawig ni Benlie si Mayor Belmonte.

Panoorin ang viral na TikTok video ng lookalike ni Mayor Belmonte:

tangina xerox!! HahaSi mam Benlie Antonio po yung nasa video opo sya po yung nasa mismong video na kamukha ni mayor joy HAHAHA.

Posted by Gelo Pegares on Monday, March 23, 2020