Humanitarian activist, may sariling pagpapakahulugan sa “social distancing”




Public Domain Image
  • May sariling pagpapakahulugan sa “social distancing” ang isang manunulat at humanitarian activist
  • Para sa kaniya, ang kahulugan nito ay hindi pagkakapantay–pantay ng mayaman at mahirap sa pakikipaglaban sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa at ng buong mundo
  • Hati ang naging komento rito ng mga netizens

Isa sa mga precautionary measures na kailangang isaalang–alang upang hindi mahawa, makahawa, o maikalat ang COVID–19 ang pagsasagawa ng “social distancing” o paglayo ng isa o higit pang metro sa kausap, o kaya’y pag–iwas sa pagbuo ng mga pangkat, o pagpunta sa mga matataong lugar.

Subalit iba ang pagpapakahulugan dito ng isang nagngangalang “Ogie Rosa”, na ipinahayag ang kaniyang pansariling pagpapakahulugan sa  social distancing sa kaniyang Twitter post, noong Marso 13, 2020, lalo na sa mga pangyayari ngayon na isinailalim sa community quarantine ang buong Luzon,

Imahe mula sa Twitter post ni Ogie Rosa

Ayon sa kaniyang post, “Ang mayaman pwedeng lumayo sa matataong lugar. Ang mahirap sa crowded areas mismo nakatira. Ang mayaman nagpapanic-buying. Ang mahirap hanggang panic lang, walang buying. Ang mayaman pwedeng mag-leave. Ang mahirap, no work no pay. Ito po ang totoong social distancing.”

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May pumanig sa kaniyang tinuran, at may mga tumutol at nagsabing sumunod na lamang daw sa direktiba ng pamahalaan upang masawata, mapigilan, at malagpasan ang krisis na ito.

Sabi ng isa, “True! Mga mahihirap tulad namin puro panic lang talaga walang buying. But at least kahit paano, we have all the needs naman sa house. Di na need makipag–agawan pa sa pagbili kasi bigas lang at ulam sapat na. Di na need ng maraming alcohol kasi isang sabon lang gamit ng 99.99% ok na rin naman ‘yun.”

Pub;ic Domain Image

“Hindi po kasalanan ng mayaman o may pera na may pera siya. Ang mayaman, kokonti lang ang anak kasi they’re smart enough na mag–invest sa iba pang bagay: bahay, emergency funds, education for good jobs sa magandang kompanya,” saad naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Just wanna remind you that the government is also consists of human beings. They can’t handle everything in one situation. Let us just support and follow the directives of our government so that everything will be smoothly done.”

Si Ogie Rosa ay manunulat na nagwagi sa prestihiyosong Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at kilala ring humanitarian activist.