Dulot ng quarantine? Mag-anak, nag-ala PBB dahil sa tagal ng pananatili sa loob ng bahay




Imahe mula sa Facebook video ni Adrienne Venezuela
  • Kinaaliwan sa social media ang panggagaya ng isang mag-anak sa mga eksena na dati nang napapanood sa PBB house
  • Ito umano ang naging dulot sa kanila ng tagal ng pananatili sa kanilang bahay dahil na rin sa enhanced community quarantine
  • Maliban sa pagrecord nila sa mga gawain mula sa paggising sa umaga, nagkaroon din sila ng nomination gaya ng ginagawa sa bahay ni Kuya

Patok sa social media ang panggagaya ng isang mag-anak sa mga eksena na dati nang napapanood sa Pinoy Big Brother House o mas kilala bilang Bahay ni Kuya.

Imahe mula sa Facebook video ni Adrienne Venezuela

Sa Facebook noong March 19, ibinahagi ng netizen na kinilalang si Adrienne Venezuela ang naging katuwaan nila ng kanilang pamilya dahil na rin sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa kanilang lugar.

Tila naging mga housemate sila sa Bahay ni Kuya dahil sa tagal ng pananatili nila sa loob ng kanilang tahanan.

“Kagagawan ‘to ng Lockdown e! Hahaha! Kung ano-ano tuloy nagagawa namin dito sa bahay,” natatawang sabi nito sa post.

Kasama niyang nakipagkulitan ang dalawang nakababatang kapatid, pati na rin ang kaniyang ama.

Sa video na kaniyang in-upload, nagawa nilang mag-ala PBB housemates matapos ma-record ang kanilang mga kilos mula sa paggisng sa umaga hanggang sa paggawa nila ng mga gawaing bahay.

Kinaaliwan rin ang pagkakaroon nila ng nomination at pagbubunyag sa mga ugali na hindi nila gusto sa isa’t isa.
Agad namang nag-viral ang kanilang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Hahaha. In fairness, walang favorite si tatay. Binigyan lahat ng 1 point para walang away!” natatawang sabi ni JSS sa comment section.

Kagagawan ‘to ng Lockdown e! HAHAHAHA kung ano-ano tuloy nagagawa namin dito sa bahay 🤦🏻‍♂️😂 lol#PBBLockdownPS: fb ruins the quality 😢PPS: nasubukan yung acting skillz ng mga kapatid ko HAHAHAHAPPPS: sharing good vibes lang tayo, guys! HeheCheck it on my youtube channel: https://youtu.be/waaA1-xwiakNO COPY INFRINGEMENT INTENDED OF THE SOUNDS USED IN THIS VIDEO.

Posted by Adrienne Venezuela on Thursday, March 19, 2020

“Hahaha. Saya nito sa bahay namin. Medyo madami-dami kaming housemates. Kasama mga anak ng mga kapatid ko. Sinong pamilya kaya ang mae-evict? Haha,” sabi naman ni MMM.

“Evicted na tatay nila. Hahaha,” sabi naman ni SD.

Source :

Facebook